TINIYAK ng Department of Health (DOH) na ligtas at epektibo rin ang generic na gamot tulad ng branded counterpart nito.
Ayon kay Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, pareho lamang na epektibo ang generic at branded medicine para sa paggagamitan nito at hanggat may clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Siniguro rin ni Vergeire na mataas ang kalidad ng mga generic na gamot na mabibili sa merkado.
Pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na bumili lamang ng gamot sa mga drugstore o pharmacy na lisensyado ng FDA.