GAMOT VS COVID KAILANGANG MABUSISI NG FDA

Rosario Vergeire

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na kinakailangan munang dumaan sa pagsusuri at pag-apruba ng Food and Drugs Administration (FDA) ang lahat ng mga bagong gamot na malilikha laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, anumang mga bagong klaseng gamot ito ay kailangang dumadaan muna sa FDA.

Kailangang pag-aralang munang maigi ang bawat gamot para makatiyak na ligtas at walang hindi magandang   epekto sa publiko.

Nauna rito, nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa DOH na ikonsidera ang imbensyong ‘anti-viral injection’ ng isang Dr. Ruben Garcia Fabunan  na sinasabing kayang sirain ang ‘protective crown o shield’ ng coronavirus at makapapatay rito.

Sa kaniyang public address nitong Lunes ng gabi, binanggit din naman ni Pangulong Rodrigo Duterte, na isang higanteng pharmaceutical company sa ibang bansa ang malapit na magpalabas ng ‘anti-body medicine’ na lalaban sa COVID-19.                           ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.