Hindi dating palapatol si Mon Confiado sa mga pumupuna sa kanya. Sanay na siya dito dahil matagal-tagal na rin naman siyang artista.
Pero sa post ng vlogger na si Ileiad, talaga raw napikon siya at naubos ang pasensya.
Sa nasabing post, ikinuwento raw ni Ileiad kung paano naging bastos si Confiado, and closed “his hand shut in front of his face” and went “huh? huh? huh?” nang lapitan niya ito ng may ngiti at paggalang kamakailan sa isang “grocery store sa Marikina. Ayon din sa post, unang nagpakita ng kabastusan si Confiado sa grocery teller, dahil nagtangka raw itong magnakaw ng chocolate bars.
Kaya naman kinumpronta ni Confiado si Ileiad, ang content creator — at ang sabi daw nito sa kanya ay nagbibiro lamang siya in the form of a “copypasta.”
Ang Copypasta ay block of text na kinokopya at ipini-paste, at isini-share online. Kadalasan ay nakakatawa ito o kaya naman ay nagpo-provoke ng reaction sa mga taong walang alam tungkol dito.
Pero hindi tinanggap ni Confiado ang paliwanag ng content creator.
Aniya: “Joke at my expense? Joke pero nakakasira ng tao?… Parang sobra na itong mga ito ah at para makakuha lang ng mga likes kahit makasagasa sila ng tao. Tapos sasabihin joke. Ang daming nag-message sa akin at tinatanong kung totoo ba ito? Of course, sabi ko hindi yan totoo. Never happened. At hindi ako ganung tao.”
Kasama pa sa post ni Ileiad ang litrato ni Confiado.
Humingi ng paumanhin sibIleiad sa aktor ngunit hindi naman niya binura ang post. Sa halip, naglagay lang siya ng “disclaimer.”
Lalong nagalit si Confiado kaya nagsampa na siya ng legal action. Tingin daw niya ay napaka-sarcastic, unapologetic, at hindi sincere ang paghingi ng paumanhin ni Ileiad.
Matapos pormal na magsampa ng reklamo, sinabi ni Confiado na: “Mr. Jeff Jacinto, uulitin ko, ako ay nananahimik at ginulo mo. Pero nung nag-comment ako sa post mo at sa Messenger mo, sinabihan mo pa ako ng ‘Is this a threat?’ Hindi mo pa din ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi. Oo. Nag-public apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo….
“Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay HINDI JOKE. Ito ay TOTOO.”
Nawa’y maging aral sa iyo ito at sa ating lahat. Na ang paggamit ng pangalan at larawan ng walang pahintulot ay krimen. Na hindi lahat ng jokes ay nakakatawa at hindi lahat ng jokes ay para sa lahat. Dapat sana ang joke ay nakakapagpasaya at hindi nakakasira ng tao.
Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD,
Ako ay isang tahimik na tao. Never na nasangkot sa kahit isa o anumang gulo sa buong buhay ko. Wala ako ni isang kaaway o nakaaway man lang. Ako ay tahimik na nagtratrabaho lamang bilang aktor. At bilang aktor, ang aking pangalan ay aking pinagkakaiingat-ingatan dahil ito ang aking puhunan para ako ay makakuha ng trabaho. Ngunit ako ay nagulat dahil biglang direktang ginamit mo ang aking pangalan at larawan ng walang pasintabi sa isang joke na tinatawag niyong “copypasta”.
Ang problema… kahit ito ay isang joke o “meme” lamang, hindi pamilyar ang lahat ng tao dito at ito ay ipinost mo sa “Facebook”. At alam mo naman ang mga tao ay napakadaling maniwala sa mga ganyang posts. Siyempre ang ilan dyan ay maniniwala at ire-repost agad dahil katulad mo ay gusto lang din makakuha ng mga likes kahit may masagasaan. Ako ay may mga ginagawang pelikula, may mga endorsements at may on-going na transaction para maging “brand ambassador” ng isang produkto. Paano kung dahil sa maling pagkakaintindi sa joke mo ay maapektuhan ang aking mga trabaho? Dapat ba ay tumahimik lang ako? Dapat ba ako pa ang mag adjust at pabayaan ko na lang at huwag na ako mag react?
Mr. Jeff Jacinto, uulitin ko, ako ay nananahimik at ginulo mo. Pero nung nag comment ako sa post mo at sa messenger mo, sinabihan mo pa ako ng “is this a threat”? Hindi mo pa din ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi. Oo. Nagpublic apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo. At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga followers mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama.
Ngayon, Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD. Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay HINDI JOKE. Ito ay TOTOO. Seseryohin natin ito para maging aral sa ating lahat. I’m looking forward to personally meet you in court Mr. Jeff Jacinto. God Speed.
Lubos na gumagalang,
Mon Confiado