GANTIMPALA NG SARILING NEGOSYO

May Trabaho logo

HI EVERYONE. Kumusta po kayo? Thank God muli mong hawak ang diyaryo na ito at binabasa ang kolum ko. Am thankful. Last week, napag-usapan natin ang mga kalaban ng pagnenegosyo (kung hindi ninyo nabasa ‘yun last week, naku! Balikan ho ninyo para mas ma-aapreciate n’yo itong babasahin n’yo ngayon) at nabanggit ko sa inyo, na sa kabila ng mga personal kong karanasang maging ‘kalaban’ ang mga iyon, may mga personal akong rason bakit nananatili ako sa pagnenegosyo imbes na mas padaliin na lamang sana ang buhay ko sa pangengempleyo (para kasing less hassle, less stress kapag ganoon na lang hehehe). At nangako ako sa inyo, na ngayon ko sasabihin ang dahilan. Magbabanggit ako ng ilan, at ang mga SME na katulad ko, siguradong makaka-relate dito.

Ano nga ba ang gantimpala ng pagkakaroon ng sariling negosyo?

#1. Mas malaki ang oportunidad na kumita ka ng malaki — unlike sa pangengempleyo na magsipag o magmatamad ka man ay parehong suweldo ang tatanggapin mo sa katapusan ng buwan (‘yun nga lamang kapag tatamad-tamad ka baka hindi ka na ma-renew), sa negosyo, iba ang kalakaran, you write your own paycheck. Ikaw ang nagtatakda ng gusto mong kitain, katulad ng sarili mo lang din ang maglilimita sa ipapasok mo sa iyong pitaka. ‘Yung kapag tinamad ka, siyempre maliit ang kita, pero kapag humataw ka, bonggang-bongga naman ang figures na mayroon ka.

#2. Independence — Ikaw ang boss ng iyong sarili. Ano ba ang madalas na reklamo ng mga nangengempleyo? Kapag napataon sila sa masungit na boss pero wala silang magawa kasi boss nga, ‘yung mga kasamahan na hindi makasundo pero kailangang pakisamahan, ‘yung may mga kompromiso na kailangang gawin para lang masabing performing, mahirap ba? Mukha.

Pero kung sarili mo ang negosyo mo, bahala ka sa gusto mong gawin, kasi nga, sa’ yo ang oras mo, ikaw ang nagse-set  ng priorities mo. ‘Yung tinatawag nilang work-life balance, mas abot-kamay mo. You just need to learn how to handle everything. You set your own pace, your own time, your own goals, your own work, bahala ka. You have independence because you work for no one, but yourself.

#3. Learning opportunities — siyempre, dahil hands-on ka sa business, mas marami kang pagkakataon na matuto, hindi lamang sa pagnenegosyo, kundi sa buhay mismo. Lalo na at ang pagkakaroon ng sariling negosyo ay hindi naman biro, marami nga, biglang nagma-mature kapag nagkakaroon ng sariling negosyo. Kasi nga mas malawak na ang mundo na iyong ginagalawan, it enlarges your territory, marami kang puwedeng makasalamuha, bawal na ang hiya-hiya, sabi nga, pakapalan muks na, and it’s ok, hindi puwede ang mahiyain sa negosyo, especially kapag significant amount ang iyong puhunan, mapipilitan ka talaga na lumabas at mag-alok, pero kahit na ganito, ang daming itinuturo ng mga magiging karanasan mo sa iyo, na kung magiging mapagmasid ka lang and you keep a teachable heart, tiyak na magbibigay-daan upang maabot mo whatever you want to achieve in life.

#4. Nailalabas mo ang iyong pagkamalikhain — mas malaya mong mae-explore ang mga kaya mong gawin, at gusto mong gawin. Naalala ko si Tita Merls ng Merls Suman sa Lihiya, noong na-interview ko siya sa radyo, hindi ako makapaniwala that she only started with a capital of 100 pesos nang simulan niya ang negosyo niyang ito, kasi, looking at them now, hindi mo aakalain na ang 100 pesos na ‘yun ay puwedeng mapalaki na katulad ng kanilang nagawa, and yet, nagugulat ako sa kanya, nakikita ko kasi sa FB niya ngayon, tuloy-tuloy ang ‘experiments’ niya ng mga kakanin, sabay benta online na lagi rin  namang sold out. Bakit niya ito nagagawa? Kasi nga, it’s her own business, na hindi naman basta- basta mo lang puwedeng gawin sa ibang kompanya, dahil siyempre, kailangan may study muna, ang daming aaralin, approval na sandamakmak, bago pa maibenta sa merkado, mahaba munang proseso. But if it is your own business, ikaw ang magtatakda kung ano at kailan mo ito gustong ilabas sa market.

#5 Pagkakataon na mapatatag ang sarili —marami  tayong kailangang i-overcome kapag sarili natin ang negosyo, pero kakaiba rin ang saya na dulot ng bawat achievement sa atin, gaano man ito kaliit kapag napapagtagumpayan natin ito. Ang mga pakikibaka na kailangan nating lampasan, ay lalong nagapapatibay sa ating pagkatao at disposisyon sa buhay kung matututo lamang tayo na maging matapang sa pagharap sa mga ito. Sabi nga sa Romans 5:3-4 “Not only so, but we also glory in our sufferings, because we know that suffering produces perseverance; 4perseverance, character; and character, hope”

#6 Pagkakataon na makatulong sa iba — minsan, nakausap ko ang dati kong boss, sabi niya, “Glad, parang alam ko na bakit patuloy ‘yan na lumalaki sina SM, sina Robinsons, sina MVP,”   sabi ko “bakit nga kaya boss?”

Ang sagot niya… “kasi, ‘pag titingnan mo, isa sa common denominator nila, pare-pareho silang maraming empleyado.” Natawa ako, sa isip ko, natural, malaki business nila eh, pero ang sabi ko na lang, “ano naman po ang connect noon.” Ang sabi niya,  “Kasi tingnan mo, maraming pamilya ang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, dahil sa kanilang kapamilya na nagtatrabaho sa mga ‘yan, ibig sabihin, pagpapalain talaga iyan ng Diyos, kasi marami rin ang napagpapala dahil sa kanila”

And I couldn’t agree more. Oo nga. Kapag nagnenegosyo tayo, mas malaki ang pagkakataon na makatulong tayo, sa mga tao natin, sa kanilang pamilya, sa iba pa, hindi man tayo kasinlaki ni SM, ni Robinsons o ni MVP, sa mga taong nakakapamuhay nang marangal dahil sa atin, ay napakalaki nating pagpapala. And when we help others, God is also helping us para patuloy tayong makatulong. Hindi sayang ang lahat ng ating mga sakripisyo at pagpapagal.  Nagnenegosyo tayo hindi lang para gumanda ang ating buhay, kundi para gumanda rin ang buhay ng iba, dahil sa atin. We are blessed to be a blessing.

#7 Pagkakataon na lumikha ng sariling tatak — narinig ninyo na ba ito? “Oy bili ka ng colgate ah, yung close up “ o kaya “Oy pakodak tayo sa agfa“ o kaya naman “pabili ka sprite, ung mountain dew”

Noong bata pa ako, I used to say that also, hindi ko pa nauunawaan na ang colgate, ang kodak at sprite, ay mga brands. At ang mga competing brands pala nila ang aking pinabibili.  Hindi ba nakaka-proud ang ganito? ‘Yung kahit wala ka na sa mundong ito, nananatili sa merkado ang mga produkto na nagawa mo at patuloy na tinatangkilik ng mga tao?   Kapag negosyante ka na may passion sa produkto o serbisyo mo, may pagkakataon ka rin na gawin ang kanilang ginawa, kasi nga, SARILI mo ang iyong negosyo. Sarap, ‘di ba? Pero siyempre, kung kaya ninyo lang din, habang nangengempleyo kayo, magnegosyo na rin para sa mas mabilis na paglago. At mga kuwentong ganyan ang ating pag-uusapan sa mga susunod na linggo, kaya patuloy na abangan ang May Trabaho, May Negosyo!



 Si Glady Mabini ay isang Broadcast Journalist at Motivational Speaker na may iba’t ibang programa sa Radyo. Ang mga programang ito ay pwede rin ninyong masundan sa kanyang Youtube Channel na Glady Mabini. Para sa mga paksa na gusto ninyong kanyang matalakay sa kolum na ito, ipadala lamang sa kanyang official FB page: Glady Mabini.



Ephesians 5:20 – always giving thanks to God the Father for everything in the name of our Lord Jesus Christ.

Comments are closed.