GANUELAS-ROSSER ‘TROPA’ NA

IBINALIK ng NLEX si Fil-Am Brandon Ganuelas-Rosser sa Blackwater, ang koponan na kumuha sa kanya bilang No.1 pick overall ng PBA Season 47 Draft, nitong Lunes.

Nagpasya ang Road Warriors na ipamigay si Ganuelas-Rosser kapalit nina Ato Ular, Yosef Taha at ang first round draft pick ng Blackwater sa Season 51.

Subalit may iba pala na iniisip ang Blackwater.

Pagkalipas ng ilang oras ay dinala ng Bossing ang 6-foot-6 Fil-Am sa TNT, na nangangailangan ng ‘big man’ sa pagkawala ni injured Poy Eram.

Si Ganuelas-Rosser ay umanib sa Road Warriors noong Setyembre 19, 2022 matapos ang three-team trade na kinabilangan din ng TNT Tropang Giga.

“We extend our heartfelt gratitude to Brandon for his unwavering dedication and contributions during his three remarkable conferences with NLEX,” wika ni NLEX Road Warriors team governor Ronald Dulatre.

“His time as a Road Warrior will forever be cherished, and we wish him the best of luck with his next team. Brandon will always hold a special place in the NLEX family.”

Si Ganuelas-Rosser, naglaro ng kabuuang 28 games sa Road Warriors, ay may average na 8.4 points at 3.6 rebounds sa 2023-24 PBA Commissioner’s Cup.

Sisimulan ng Tropang Giga ang kanilang kampanya sa Philippine Cup kontra Rain or Shine Elasto Painters sa pagsisimula ng conference sa Pebrero 28 sa Ynares Sports Center sa Antipolo.  Samantala, kinuha ng Blackwater sina forward Justin Chia, guard Jaydee Tungcab at ang first round pick ng TNT sa Season 51 Draft, sa  deal.