GARDEN AT ART FESTIVAL, TULOY PA RIN SA WEBSITE NG RESORTS WORLD MANILA

PALALAWIGIN pa ng Resorts World Manila ang Garden at Art Festival ng isa pang buwan sa kanilang website, kahit nagtapos ang physical exhibition noong ika-2 ng Agosto 2021 sa Newport Mall.

Nagbukas ang kauna-unahang exhibit na nagpa­tingkad sa kolaborasyon ng Arids and Aroids, kasama ang DJC Gallery of Li­ving Art noong ika-29 ng Hul­yo, 2021. Bilang pagtupad sa healthy protocols ng IATF, isinara na sa publiko ang exhibit ng mga halaman at likhang sining ng mga artists na may makulay na paso at likhang-si­ning noong ika-2 ng Agosto. Nagkaroon ng live selling sa Facebook ang Arid and Aroids ng kanilang mga pinakatampok na halaman, gayundin ang DJC Gallery of Living Art ng mga paso at pain­tings ng mga iba’t ibang artists mula sa Manila, Quezon City at Bula­can. Naisagawa ang on-the-spot painting noong ika-30 ng Hulyo ng isang marikit na halamang “Sanseveria BG Regale,” ng isang ar­tist na gumamit ng coffee medium sa pagpinta. Ito ay nagustuhan ng isang kolek­tor kung kaya’t ito ang napili nang gabing iyon. Nagdagdag kasiyahan sa mga alagad ng sining ang pagdalo ni G. Popoy Cusi, isang bantog sa larangan ng watercolor at kaibigang matalik ni Bb. Elizabeth Oropesa na isa ring tanyag na artist na kumikilala sa paggamit ng mga recycled materials sa kanyang obra maestra. RIZA ZUNIGA

Comments are closed.