HINDI nakaligtas sa mga basher ang nanay ni Garie Concepcion na si Grace Ibuna.
May isang netizen na nilait ang ina ng aktres at tinawag itong mukhang tsimay. Dahil dito, hindi napigilan ni Garie na mag-react sa kanyang social media account.
Sa aking panayam, ipinaliwanag niya kung bakit siya pumatol sa naturang basher.
“The only reason I reacted that time is because hindi na ako, it was my mom already who’s being attacked. Ang sabi ko nga, kapag may mga naririnig akong hindi maganda tungkol sa akin, hindi ko na pinapansin pero pagdating sa nanay ko, lalaban talaga ako. Hindi po nila kilala si Mommy. They don’t know how she is at home at how she is as a mom. Siyempre, na-feel ko lang na wala silang right na sirain ang mommy ko nang ganoon,” aniya.
Gayunpaman, hindi raw naman talaga maiiwasan na magkaroon ng bashers sa social media at natuto na siya sa kanyang leksyon.
“Sumagot po ako, sinagot din niya ako.Nasabi ko na ang gusto kong sabihin, so hindi ko na siya papatulan,” paliwanag niya.
Happy naman si Garie dahil natupad ang pinakaaasam niya na makapagbida sa pelikula. Ito ay sa pelikulang “The Lease”, isang horror film kung saan katambal niya ang acclaimed Italian actor-director na si Ruben Maria Soriquez.
“I auditioned for the role. I found out from a friend on FB. Nag-post siya and then I asked him kung saan ang audition and luckily, I got the part,” ani Garie.
Pinaghandaan din daw niya ang nasabing audition. ” Actually, hindi ko alam na kailangan pala nila ng monologue for the audition. So, I got something off from the internet. It’s a monologue. I memorized it. Iyon lang pag-deliver ko, it was a live monologue. It’s about a girl longing for the love of her life, parang ganoon,” pagbabahagi niya.
Masaya naman si Garie dahil suportado ng kanyang boyfriend na si Michael Pangilinan ang kanyang launching movie.
Alam din niyang maligaya rin ang kanyang amang si Gabby at ateng si KC Concepcion sa kanyang pagbibida sa pelikula.
Dahil ngayon pa lang dumarating ang mga magagandang oportunidad sa kanya, gusto munang magpokus ni Garie sa kanyang career.
“Right now, I’m so focused on my career and I’m very lucky that I do have a boyfriend who’s very supportive of me. Ganoon talaga siya. Career-oriented kaming pareho. Hindi kami nagmamadali. Walang ganoon. Ngayon ko lang na-feel na ito iyong pinaka-active year ko sa showbiz. Gusto ko talaga, gawin ko muna ito at pagbigyan ko muna ang sarili ko and then saka na ako mag-iisip kung magse-settle down,” hirit niya.
Ang “The Lease” ay kuwento ng isang Fil-Italian family na lumipat sa isang bagong bahay na pinamamahayan ng mga galang espiritu at kung paanong naghatid ito ng sindak at lagim sa kanilang buhay.
Maliban kay Ruben, tampok din dito sina Edmund Santiago, Harvey Almoneda, Jill Demski,LM Torres, Princess Cruz, Red Ibasco, Agnes Pabalan, Kuya Manzano, Berna Cabrera, Mercedita Marasigan, Don Gordon Bell, Brigette Martin, Sean Guyamin at Arriane Mei Diaz Butch.
Comments are closed.