GARIN, 19 PA NADIIN SA DENGVAXIA

dengvaxia

PINAKAKASUHAN ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) si dating Health Secretary Janette Garin at 19 na iba pa kaugnay ng unang batch ng Dengvaxia case.

Ito ay makaraang makitaan ng DOJ na may probable cause ang isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO) na reklamong  reckless imprudence resulting in homicide laban kay Garin at iba pang opisyal mula sa DOH, Sanofi Pasteur, RITM at Food and Drugs  Administration (FDA).

Sa nasabing kaso, inirekomenda ng DOJ panel of prosecutors  ang 8 counts laban kina Garin at DOH Doctors na sina Dr. Vicente Belizario Jr., Dr. Kenneth Hartigan-Go, Dr. Gerardo Bayugo, Dr. Lyndon Lee Suy, Dr. Irma Asuncion, Dr. Julius Lecciones, DR. Maria Joyce Ducusin, Dr. Rosalinda Vianzon at Dr. Mario Baquilod.

Gayundin, 4 counts naman ng reckless imprudence resulting in homicide ang pinasasampa naman ng DOJ laban kina Dr. Maria Lourdes Santiago at Melody Zamudio ng Food and Drug Administration.

At 8 counts ng nasabing kaso laban kina Dr. Socorro Lupisan at Dr. Maria Rosario Capeding ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Habang 8 counts din ng nasabing kaso ang pinasasampa laban sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur Inc. na sina Carlito Realuyo, Stanislas Camart, Jean Louis Grunwald, Jean Francois Vacherand, Conchita Santos at Jazel Anne Calvo.

Samantala, absuwelto naman sa kaso sina Health Secretary Francisco Duque, dating OIC Dr. Herminigildo Valle gayundin sina Pearl Grace Cabali at Maria Ester Vanguardia-De Antoni ng Sanofi Pasteur Inc.

Ibinasura naman ng DOJ panel ang reklamo laban sa mga opisyal ng Zuellig Pharma Corp. na sina Kasigod Jamias, Michael Becker, Ricardo Romulo, imran Babar Chugtai, Raymund Azurin, Nilo Badiola, John Stokes Davison, Mar. Franck, Ashley Gerard Antonio, Ana Liza Peralta, Rosa Maria Chua, Danilo Cahoy, Manuel Concio III, Roland Goco at Ma. Visitacion Barreiro.

Dinismis din ang rek­lamong paglabag sa Anti torture act laban sa mga nabanggit na respondents na isinampa ni Jeffrey Ali­magno at  ang reklamong obstruction of justice na isinampa rin nito laban kay Duque.

Comments are closed.