INIHAYAG ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin na ang 20 percent cap sa pagtatalaga ng mga professor sa state universities and colleges (SUCs) ay dapat itaas sa 50 percent o tanggalin ito upang masuportahan ang kanilang professional growth.
Sa committe hearing sa plenaryo, hinimok ni Garin ang kanyang mga kapwa mambabatas na amyendahan ang mga panuntunan ng National Budget Circular (NBC) No. 461, partikular sa 20 porsiyentong limitasyon.
“In the University of the Philippines (UP) walang limit [ang pagpopromote ng mga professors]. However, in the other universities, as stipulated in the guidelines of DBM (Department of Budget and Management) and as stated in NBC 461, nagkaroon po ng 20 percent cap,” ayon sa House appropriations committee vice chairperson.
“It is now an opportunity for Congress to have this amended. Either remove or increase the 20 percent to 50 percent, or we can have it similar to UP na walang limit,” ipinunto ni Garin.
Nakasaad sa ilalim ng NBC No. 461 “[t]he quota for the rank of Professor shall be adjusted to 20 percent of the total number of faculty positions of each SUC.”
Iginiit pa ng mambabatas na ang cap ay hindi dapat humadlang sa professional growth ng mga kuwalipikadong professor.
Binanggit din ni Garin na susuportahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang pag-amyenda sa NBC No. 461.
“If we remove the 20 percent [cap], then CHED will also be very happy,” ayon sa mambabatas.