GARMENT EXPORT BUMULUSOK

garment export

BUMABA ng 40 porsiyento ang garment export sa Filipinas bunsod ng bumagsak na demand at naputol na supply chain dahil sa COVID-19 pandemic.

Batay ito sa isinagawang pag-aaral ng International Labor Organization (ILO) sa epekto ng pandemya sa 10 nangungunang mga bansang gumagawa ng mga damit,  kabilang ang Filipinas.

Ayon sa ILO, dahil sa bumabang garment export, nanganib ang kabuhayan ng tinatayang nasa 600,000 mga manggagawa sa bansa.

Lumabas din sa report na malaki ang naging epekto ng bumabang garments export sa mga bansang China, India, Filipinas at Sri Lanka.

Kapuna-puna rin umano ang malaking pagbaba sa pagbili ng mga produktong damit at sapatos ng mga pangunahing merkado sa Estados Unidos, European Union at Japan mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.  DWIZ 882

Comments are closed.