GARY V IS NOW CANCER-FREE

GARY V

SA INTERVIEW ni Miss Korina Sanchez kay Gary Valenciano ay nabulgar na may kidney cancer anghot shots singer/actor.

Pero as of now ay cancer-free na si Mr. Pure Ener­gy dahil natanggal na ng mga doctor ang natu­rang tumor na six centimeter tumor attached sa kidney ni Gary V.  It was malignant matapos ang  open heart surgery nito, ayon sa isinulat na article ni Miss Korina.

Nang makita raw kaagad ay inoperahan si Gary V at matagumpay na natanggal ang buong tumor.

“I came very close to dropping dead in full public view on national television that day. I`m told that one more jump  could`ve done that job. I was miraculously saved from that,” say pa ni Mr Pure Energy sa interview sa kanya ni Miss Korina.

“Doctors  were again baffled I was healing so well after my open heart surgery, despite my diabetes. They say I have the heart of a strong 25 years old.

And when they saw the tumor in my kidney and were able to take it all out without  any need for  chemo? Well, we all agree this is the work of the Lord and nothing  else. I am blessed.”

Ang interview kay Gary V ni Miss Korina ay ipinalabas sa TV Patrol ang ilang bahagi ng kanyang pinagdaanan. Marami ang nag-alala pagkatapos ng naturang interview pero sinabi ni Mr. Pure Energy na babalik na raw siya soon.

“Hi everyone. Looks like many of you saw the preview of my interview on Rated K. You hear the detail what I went through. BUT do know that I am now ok…and I`m ready to come back soon. Don’t worry K? I heart U all,” aniya sa kanyang Twitter account.

SOLENN HEUSSAFF  PINAHANGA ANG NETIZENS SA

PAGIGING CONCERN SA MGA BATA

SOLENN HEUSSAFFMARAMI ang napahanga at napaiyak na fans, netizen sa ipinost ni Solenn Heussaff  na larawan sa kanyang Instagram na may karga-karga siyang isang payat na bata.

Noon pa ay mababa na talaga ang loob ni Solenn sa mga kapus-palad na bata na inabandona ng kanilang mga magulang at maging ng mga bata sa lansangan.

“My kalsada exhibit lead me to meeting the beautiful children of Kalipay foundation. Such a heart-warming day yet so painful. Find it in your hearts to help our children. Thank you miss Anna and the wonderful family of Kalipay for your dedication and passion.

So inspiring and human, www, kalipaynegrensefoundation.com.Thank you @enjoyglobe and @provenanceartgallery for helping me out too. #Kalsada #SolennArt,” caption ni Solenn sa natu­rang larawan.

Hindi lang ang pag­hanga ng dagsang tagahanga ang bumilib kay Solenn dahil maging ang kanyang husband na si Nico Bolzico ay naluha sa kabutihan ng puso ng sexy actress.

“Babu! You make me cry! Everyday I tried to be as good as a person as you are. Still far! So proud of you!” say pa ng husband ni Solenn.

Sana tularan din ng kap­wa niya artista si Solenn sa ginagawang pagtulong sa mga nangangailangan na walang hinihinging kapalit. Ang iba kasing artista riyan ay walang alam kundi puro pagpapaganda lang.

Saludo kami sa isang Solenn Heusaff na kahit hindi purong Filipino ay marunong magmahal sa mga nangangailangan ng tulong, lalo na sa mga batang kapus-palad.

Samantala, kapag libre ang schedule ni Solenn ay mapapanood siya sa longest running gag show sa tele­bisyon, ang Bubble Gang.

Bukod kasi sa mga sexy role at mapang-akit na character ay mahusay rin magpatawa si Solenn kaya she make sure na kapag lib­re ay sumasama siya sa taping ng Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7.

Comments are closed.