GARY V MAAYOS NA ANG KONDISYON PERO KAILANGAN PA RIN NG COMPLETE BED REST

nora calderon

“GARY’S heart surgery was successful.  Paolo, Gab, Kiana and I visited him at the coronary recovery room and doctors have said he is doing very well. In behalf of our family, I request for prayers for my husband’s speedy recovery,” says Angeli Pangilinan-Valenciano.

“My life. Thank you Jesus for your grace.  He is in so much pain.  I couldn’t help it, I broke down after seeing him in so much pain in the recovery room.  Yes, God is good, so so good.  The surgeon said Gary’s blood vessels are amazingly all so strong.  Only ONE was hit by a nasty blockage and it was the left main artery. So the surgeon said he felt so much pressure because of the man whose heart he was working on…how nakakaiyak. Our warrior Gary V.”

Viber message iyan ni Angeli na sinundan din ng message ni Mr. Pure Energy mismo: “Hi everyone.  I can’t text much yet. Just to thank you all for the love you’ve poured out of me.  I love you.”

Hangad namin ang tuluy-tuloy na recovery ni Gary V sa kanyang heart surgery. Get well soon!!!

KYLINE ALCANTARA IBINULGAR NA NAKISAKAY SA TRUCK

NG GULAY PARA MAKARATING SA AUDITION SA MAYNILA

NAG-TRENDING sa Twitter world ang life story ni Kyline Alcantara sa “Magpakailanman” ni Ms. Mel Tiangco last Saturday, May 5.  At tinotoo ng mga “sunflower,” fans ni Kyline na susuportahan nila ang anumang project na gagawin ng kanilang hinahangaang tween star.

Sa ngayon kasi si Kyline ay may more than one million followers sa kanyang Instagram @itskylinealcantara at almost 300K followers na sa Twitter @Kylinealcantara.  Kaya naman tutok ang mga fans niya sa panonood.  Nakiiyak daw sila sa pag-iyak ni Kyline na siya ring gumanap sa kanyang life story.

Hindi raw nila alam na ganoon pala kalungkot ang buhay ni Kyline na walang hinangad kundi makapasok sa showbiz at matulungan ang kanyang pamilya.

Bata pa si Kyline nun na kung saan-saan sila pumupunta para mag-audition o sumali sa mga pa-contest.  Until dumating ang time na kailangan nilang lumuwas ng Manila para maka-join sa auditions.  Para makarating ng Manila from Sta. Clara, Camarines Sur, nakisakay sila sa truck ng gulay na magdi-deliver sa Manila.  Pero madalas rejections ang inaabot niya mula sa mga nagpapa-audition dahil wala raw siyang buhay umarte, walang dating, hindi siya maganda, tinanggap lahat iyon ni Kyline pero hindi pa rin siya nawalan ng loob.

At ang hindi niya malilimutan, nang mag-audition siya para sa pinag-uusapan ngayong “Kambal Karibal” na ilang beses nang na-extend dahil sa magandang story nito.

“Dapat po ay ako ang gaganap na young Jean Garcia, pero nang ipatawag po nila ulit ako, ipinaulit ang audition ko at ako na ang gumanap sa role ni Cheska, ang adoptive daughter nina Tita Carmina (Villarroel) at Tito Marvin (Agustin) at iyon pa rin ang ginagampanan ko ngayon plus ang character ni Crisan (Bianca Umali) na pumasok ang kaluluwa sa katawan ko,” dagdag pa ni Kyline.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nanood ng ‘Magpakailanman’ at patuloy ninyong subaybayan ang aming “Kambal Karibal” gabi-gabi pagkatapos ng “The Cure.”

 

Comments are closed.