ISANG milagrong matatawag ang nangyari kay Gary Valenciano. Imagine, dalawang major operation ang dumaan kay Mr. Pure Energy — open heart surgery at kidney operation, at ngayon ay back to singing na ito.
Sa ini-upload nga ng maybahay ni Gary na si Angeli Pangilinan ang larawan ni Gary at kitang-kita na back to normal na nga ito. Ang dapat daw na isang kanta lang sa dinaluhang event ni Mr. Pure Energy ay naging dalawang kanta.
“So, he was only supposed to sing one song. My husband is back… slowly with a long chest wound inside his sternum, inner wounds from 2 holes in his stomach for two drain tubes for the bypass o long slice on his right side for the kidney surgery and another side hole from a drain procedure… here he is not quite there…but on his way back… and truly a living, breathing miracle. His outer wounds healed so fast but his doctors said don’t rush Gary… and yet he wanted to sing this second song to make everyone happy. Thank you Jesus! Thank you for Your faithfulness! And to all of you out there who prayed nonstop for Gary… thank you so much!,” bahagi ng update post ng misis ni Gary V.
EDGAR ALLAN GUZMAN PANGARAP NA MAKAPAREHA SI MAINE MENDOZA
PANGARAP pala ng aktor na si Edgar Allan na makasama at makatambal si Maine Mendoza sa pelikula or kahit sa isang teleserye.
Tinanong kasi ang aktor kung sino sa mga artistang babae ng Kapuso network ang gusto niyang makatambal.
Walang kaabog-abog na sagot ni EA, “Si Maine Mendoza!”
“Ang ganda kasi niya. Saka feeling ko, marami pa siyang puwedeng ipakita sa comedy o sa kulitan. Feeling ko bagay kami. Hahahaha! Kung puwede naman subukan. Hindi naman masamang mangarap,” paliwanag pa ni Edgar Allan
Hindi ba siya natatakot na ma-bash ng AlDub fans sa pagpapahayag ng kanyang pagnanais makasama si Maine?
Hindi naman daw masama na gustuhin niyang makatambal si Maine. Hindi raw nangangahulugan na porke gusto niyang makasama si Maine ay liligawan or popormahan na niya ang phenomenal star.
“Trabaho lang naman ang hangad ko. Gusto ko siya makasama dahil nakikita ko sa kanya na puwede kaming magbatuhan ng mga kakenkoyan. Tulad ko rin kasi siya na mahilig magpatawa,” say pa ni Edgar Allan Guzman.
JACKIE RICE NAGPASILIP NG SEXY PHOTOS
MULING ipinasilip ni Jackie Rice ang kanyang kaseksihan. Lutang na lutang ang kanyang nakasisilaw na kagandahan sa bago niyang sexy photo.
Hindi na nga nagpigil si Jackie na ipakita ang kanyang body beautiful sa kanyang Instagram na si Sam Pinto ang kumuha sa resort ng Baler, Quezon.
Habang nakaupo si Jackie sa gilid ng pool ay nagpahayag ito ng kaunting pagtataray na may patama tungkol sa respeto.
@jackierice, “You don’t owe anyone anything besides the same amount of respect they show you.”
Matagal-tagal din hindi nagpasilip ng kanyang kaseksihan ang mestisang actress at nang mag-post nga ito ay talagang nagulat ang kanyang mga follower sa mala-bagyong katawan ng actress.
Hitsura ng tag-lamig sa ginawang pagpo-pose ng super seksing larawan ni Jackie dahil siguradong mag-iinit ka sa kaseksihan ng actress na napanonood pa rin every Friday sa Bubble Gang.
Mula nang makipagkalas sa boyfriend ay mas lalong gumanda at sumeksi si Jackie. Tila nawala ang problema at naging masayahin, lalo kapag sila ay nagte-taping ng longest running gag show sa GMA 7.
Marami nga ang naghahangad na Kapuso aktor na makasama si Jackie kahit man lang sa serye at pelikula.
Comments are closed.