GARY VALENCIANO MAAYOS NA ANG LAGAY MATAPOS OPERAHAN SA PUSO

BIGLAAN ang balita na suma­ilalim sa heart surgery ang beteranong singer na si Gary Valenciano noong Linggo ng gabi, Mayo 6.

Sa pamamagitan ng Facebook, inanunsiyo ng Manila Genesis Entertainment, kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya Valenciano ang ginawang emergency medical procedure sa tinaguriang Mr. Pure Energy.

Kasalukuyan na ani­lang nagpapagaling ang singer matapos ang pinag­daanang operasyon sa kanyang puso.

Kuwento ng kampo ni Gary V., nakaramdam ang singer ng paninikip ng dibdib matapos ang isang dance number niya kasama ang anak na si Gabriel kahapon para sa kanyang 35th anniversary sa showbiz.

“To some, it may have looked like routine movements for my songs from yesteryears, but that performance is one I won’t ever forget. My life from that point would never be the same.

“After that dance, I felt a sensation I’d never felt before — not even during the times I would push myself, riding my mountain bike on the trails for extended periods of time — I felt tightness and pain in my chest,” salaysay niya.

Batay umano sa findings ng mga doctor, nadiskubre na ang kanyang left anterior descending artery ay barado na dahil sa kanyang sakit na diabetes halos apatnapung (40) taon na niyang dinadala.

Masaya namang ibinalita ni Gary na maganda at malakas ang kanyang puso. Nagtataka raw ang mga doktor dahil ang puso niya at blood vessels ay nasa maayos na kondisyon with the exception of one. Surprising after 39 years of Type 1 diabetes. The one exception – the main valve, my left anterior descending artery (LAD) is 95% blocked and now has very thin walls, because of diabetes,” lahad niya.

Humingi ng dispensa si Gary sa mga kompanya at mga naka-iskedyul na shows na hindi niya magagawa dahil sa kanyang operasyon.

“I apologize to the companies and organizations i am scheduled to do shows for; the students from various universities I am so excited to meet… I need to excuse myself from all these commitments until I fully recover from the bypass surgery,” pahayag niya.

Sinabi niya na kailangan daw sabihin niya ang kanyang totoong kundisyon para maiwasan ang ano pa mang tsismis at mga ispekulasyon.

As of Sunday night, maa­yos na ang lagay ni Gary at tagumpay ang operasyon niya sa puso.

Humingi ng dagdag na panalangin ang pamilya ni Gary V. para sa mas mabilis na paggaling ng singer.

 

3 thoughts on “GARY VALENCIANO MAAYOS NA ANG LAGAY MATAPOS OPERAHAN SA PUSO”

  1. 888648 245226There is an ending. Just remember that I meant for this to be an art game. I do feel like I spent an inordinate amount of time on the a lot more traditional gameplay elements, which may possibly make the meaning with the game a bit unclear. In the event you mess about with it though, youll locate it. 13769

  2. The my fantastic satisfaction to consider your site also to appreciate your own outstanding submit right here. I prefer which greatly. I am aware that you put a lot attention for those articles, as these make sense and are very useful

  3. 395689 963759Its like you read my mind! You appear to know so much about this, like you wrote the book in it or something. I feel that you can do with some pics to drive the message home a bit, but rather of that, this really is wonderful blog. A great read. Ill definitely be back. 663906

Comments are closed.