GAS ENGINE AT DIESEL ENGINE

patnubay ng driver

GOOD DAY mga kapasada!

Malaki at maraming pagkakaiba sa pagitan ng diesel at gas engine. Ang mga diesel engine ay karaniwang nilalagyan ng anim na anilyo sa bawat piston.  Ang apat na anilyong pang itaas ay yari sa mga kombensiyunal. Samantalang ang mga anilyong malapit sa ibabaw ng wrist pen at ang isang nasa labas ay mga tipong air control. Ang mga gas engine naman  ay karaniwang nilalagyan ng tatlong anilyo lamang.

KAIBAHAN NG DIESEL AT GAS ENGINE

Malaki ang pagkakaiba ng diesel engine sa gas engine tulad ng sumusunod:

  1. Tanging hangin lamang ang tinatanggap sa sandali ng admission stroke – tuwirang ipinapasok ang gatong sa loob ng kumbustiyon (combustion chamber) sa dulo ng compression stroker at sa sandal ng unang bahagi ng power stroke.
  2. Ang gatong ay sinindihan sa pamamagitan ng init ng mataas na kompresyon.
  3. Dahil sa kayarian, ang mga parte ng diesel engine na sumasagap ng malakas na prisyon at pahirap ay nararapat maging mas matibay kaysa karaniwan o dili kaya ay yari sa mga es­pesyal na materyales.
  4. Ang pangunahing pagkakaiba: sa diesel engine, ang init sa pagpapalabas ng gatong ay nasa hangin ng silindro bago simulan ang paggamit ng gatong.

Sa gas engine naman, ang gatong ay nasa hangin sa sandali ng pagtanggap bago simulan ang paggamit ng init – ang siklab (electrical spark) ang magsisindi sa gatong.

  1. Sa makinang ginagamitan ng gasoline, ang isang karga ng gasoline at hangin ay nagkakahalo sa loob ng karburador, at pagkatapos ay sinisiksik sa silindro at sinisindihan ng isang siklab (spark).

Ang diesel engine ay isang panloob na kumbustiyong makina na umaasa sa init ng kompresyon sa pagsisindi ng gatong. Natataglay ang diesel engine ng mara­ming bahagi na karaniwan ay matatagpuan din sa gas engine. Ngunit ang mga ito ay mas matibay dahil sa malubhang siklo (cycle) ng diesel.  Ang bahaging ito sa dalawang makina ay inuuri ng mga baha­ging ‘di gumagalaw at gumagalaw.

Ang mga bahaging nagkakaiba ay ang sistema ng paglalagay ng gatong sa mga diesel engine na siyang pumapalit sa karburador sa gas engine at sa combustion chamber para sa ignition thermal na nasa diesel engine na katumbas naman ng spark plug ng gas engine.

Sapagkat ang krudo (diesel fuel) ay mas mabigat sa gasoline at mas mahirap na pasingawin sanhi ng katutubong anyo nito, kailangan itong pasingawin (atomized) sa paraang mekanikal.

Sa gas engine, ang gatong ay iwiniwisik na parang hangin, na ang ibig sabihin ay napupuwersa itong lumabas sa nozzle dahil sa pagkakaiba ng prisyong nasa paloob at palabas ng nozzle.  Ang pagkakaiba ng prisyong ito ay bunga ng aksiyon ng makina sa admission stroke.

Ang diesel ay tinatawag na makinang may pirmihang prisyon, sa halip na gas engine na kung tawagin na makinang pirmihang volume.

Ang diesel engine ay tinagurian bilang isang makinang may pirmihang prisyon sapagkat sumisindi ang gatong sa sandaling ang mga unang katiting ng mga bagay (particles) nito ay pumasok sa silindro at magpatuloy sa pagsindi, sa pagsunog at pagpapalawak sa buong sandali ng pagtanggap kung kaya ang prisyong nalilikha nito ang nagpapagalaw sa piston nang pasulong.

Habang dumarami ang nalilikhang prisyon, patuloy sa paggalaw ang piston na siyang nagbibigay ng higit pang espasyo sa mga lumalawak o lumalaking gas.  Ang resulta o bunga nito ay halos isang pirmihang prisyon ng piston.

Samantala, ang gas engine naman ay tinagurian bilang isang  makinang may pirmihang volume sapagkat ang volume ng gasoline at pinaghalong hangin ang pumapasok sa silindro ay nasisiksik at pagkatapos ay nasisindihan ng isang spark (siklab).

Ang resulta o bunga nito ay isang explosion, isang kagyat ng prisyong mabilis bu­maba habang ang piston ay gumagalaw at nagbibigay ng higit pang espasyo sa mga gas.

DALAWANG URI NG DIESEL ENGINE

May dalawang uri ng diesel engine tulad ng engine na may apat na siklo at ang dalawang siklong makina.

Ang operasyon o pagpapatakbo ng isang apat na siklong diesel engine ay binubuo ng mga sumusunod:

  1. Ang hangin ay ipinapasok sa silindro sa sandaling una o admission stroke.
  2. Ito ay nasisiksik sa sandali ng ikalawa o kompresyong stroke. Sa malapit sa dulo nito, ang gatong ay ipinapasok sa silindro.
  3. Ang matinding init ng kompresyon ang nagsisindi ng gatong at lumilikha ng prisyong nagpapagalaw sa piston sa sandali ng pangatlo exhaust stroke.

Samantalang sa diesel engine, isang karga  ng hangin lamang ang nasisiksik sa silindro, ipinapasok ang gatong at sinisindihan sa pamamagitan ng init ng mataas na kompresyon (hangin).

MC NASISIRA DAHIL SA MALING PAG-AALAGA

Sa totoo lang, hindi halos magkandaugaga ang pitak na ito, Patnubay ng Drayber sa maraming katanungang inihihingi ng mga kapa­sada ng tumpak na lunas.

Ang paksa ng kanilang mga karaingan ay minabuting lagumin natin upang pati yaong hindi nakauunawa sa tunay na dahilan ng sakit ng kanilang minamanehong makina ay mabigyan din nila ng karapatang lunas.

Sa pag-aaral ng Asian Development Bank sa mga motorsiklo at tricycle na tumatakbo sa Quezon City at maging sa ilang mga lalawigan, sinabi nito na nagiging mausok at maingay ang mga motorsiklo dahil sa maling pag-aalaga.

Isa rin sa mga sinasabing dahilan ayon sa ADB ay ang kawalan ng sapat na kaalaman ng mga tricycle driver o rider sa ginagawa nilang paghahalo ng langis sa gasolina upang hindi masira ang piston ng kanilang two-stroke motorcycle.

Ayon pa sa ADB, lumitaw sa kanilang pag-aaral na sobra din na la­ngis  na inihahalo ng mga driver at rider na may epekto kung bakit nagiging mausok ang kanilang motorsiklo.

Sa ganitong natuklasan nilang mga kamalian na ginagawa ng karaniwang rider ng MC, payo ng ADB na laging tatandaan na sa pagbili ng motorsiklo, maging personal na gamit o pang hanapbuhay na alamin kung ano ang tamang pag-aalaga nito, kadalasan na nasa mga pol­yetos (manual) ang mga paraan sa wastong paggamit, pangangalaga at kailangang mga additive para sa yanong pagtakbo sa matagal na gamit.

DAHILAN KUNG BAKIT HINDI MAG-START ANG SASAKYAN

Maraming katanu­ngan ang dumating sa Patnubay ng Drayber tungkol sa samut-saring problema ng kanilang minamanehong sasak­yan.

Ang isa sa mga nagpadala ng katanungan ay si Jojo Petrasanta. Hinaing ni G. Petrasanta, ayaw raw mag-start ang kanyang sasakyan sa maraming pagkakataon lalo na sa umaga na siya ay papasok sa kanilang tanggapan.

Ilan na ba sa atin ang nabubulaga sa ­ating sasakyan dahil sa ayaw itong mag-start?  Nakabubuwisit, ito ang karaniwang karaingan na idinudulog sa Pitak ng Drayber.

Tanong natin, ano kaya ang posibleng dahilan nito? May mga ­ilang dahilan na puwede nating ibigay kung bakit ayaw mag-start ang sasakyan lalo na sa panahon na nagmamadali sa pagpasok sa trabaho.

Ilan sa mga posibleng dahilan kaya’t ayaw mag-start ang sasakyan ay ang baterya, ignition switch, ignition module, ignition coil, fuel pump, injector, computer box o kaya ay simpleng fuse.

Kung paulit-ulit ang problema, mahalagang sumangguni sa meka­niko o ipa-check ang sasakyan nang malaman ang tunay na problema at kaagad itong maaksiyunan.

LAGING TATAN­DAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING!

 

Comments are closed.