GASOL NAGRETIRO NA

INANUNSIYO ni Spanish basketball great Pau Gasol ang kanyang pagreretiro matapos ang 23 taong career.

“I’m here to tell you that I’m going to retire from professional basketball. It’s a difficult decision after so many years but it’s a decision I’ve taken carefully,” wika ni Gasol, 41, sa isang news conference sa Barcelona’s Liceu theater.

Si Gasol, may taas na 7 feet 1 inch, ay sumalang sa kanyang professional debut noong 1998 sa Barca bilang center bago kinuha ng NBA side Memphis Grizzlies noong 2001.

Nagwagi siya ng NBA titles sa Los Angeles Lakers noong 2009 at 2010 at napabilang sa All-Star team sa anim na pagkakataon.

Naglaro si Gasol para sa  Chicago Bulls at San Antonio Spurs at nagkaroon ng brief stint sa Milwaukee Bucks at apat na buwan sa Portland Trail Blazers, kung saan hindi na siya nakapaglaro dahil sa injury.

Bumalik siya sa Barcelona sa kaagahan ng taon kung saan tinulungan niya ang kanyang boyhood club na tapusin ang pitong taong paghihintay para makopo ang Spanish championship noong June.

Tinulunguan din ni Gasol ang  Spain na masungkit ang  Olympic silver medal sa 2008 at 2012 Games at bronze noong 2016.

Nakarekober siya mula sa halos dalawang taong injury at sumabak sa 2020 Olympics sa Tokyo, kung saan natalo ang Spain sa quarterfinals sa eventual winners USA sa kanyanv huling kumpetisyon.

5 thoughts on “GASOL NAGRETIRO NA”

  1. 912929 644591Hosting a weblog composing facility (in a broad sense) requires unlimited space. So I suggest you to discover such web hosting (internet space provider) that supply flexibility inside your internet space. 919965

Comments are closed.