MAGIGING epektibo ang ikatlo at huling tranche ng excise tax hike sa produktong petrolyo sa unang araw ng Enero 2020.
Inihayag ito kahapon ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino.
Ipinasa ng administrasyong Duterte ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, noong 2017, na nagpapataw ng P2.50 kada litrong excise tax sa diesel at nagtataas sa levy sa gasolina sa P7.00 kada litro simula Enero 1, 2018.
Tumaas ang fuel excise taxes ng P2.00 kada litro simula noong Enero 1, 2019. Nangan-gahulugan ito na ang excise tax sa diesel ay aabot sa P4.50 kada litro habang ang gasolina ay P9.00 kada litro.
Sa huling round ng pagtataas ng excise tax ngayong Enero ay may dagdag na P1.50 (diesel) at P1 sa kerosene.
Sinabi ni Lambino na ito na ang pinakamaliit na adjustment dahil mas malaki ang mga naunang pagpapataw ng buwis.
Nagpaalala naman ang Department of Energy sa mga kompanya ng langis na magiging epek-tibo lamang ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa bagong stocks ng imported na produkto sa Enero 1, 2020.
Magkakaroon ng spot checking ang Department of Energy at field operations sa mga gaso-linahan.
Ang buwis mula sa produktong langis ay kinakailangan upang mapondohan ang mga infrastruc-ture program maging ang healthcare, education, social protection.
Comments are closed.