INAASAHAN ang dagdag-presyo sa gasolina at kerosene sa susunod na linggo habang walang nakikitang paggalaw sa presyo ng diesel.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, maglalaro sa P0.15 hanggang P0.25 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina, habang P0.40 hanggang P0.50 sa kerosene.
Ito ang ika-2 sunod na linggo na may taas-presyo sa gasolina at kerosene.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na magiging epektibo sa susunod na araw.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng gasolina ay nasa pagitan ng P39.50 at P53.30 kada litro, habang ang diesel prices ay mula P27.58 hanggang P35.55 kada litro.
Comments are closed.