MULING magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo simula sa susunod na linggo.
Ayon sa taya, magkakaroon ng rollback ang presyo ng diesel at kerosene habang may oil price hike naman ang gasolina.
Gasolina, P0.85-P0.95 dagdag kada litro; Diesel, P0.30-P0.40 bawas kada litro; Kerosene, P0.20-P0.30 bawas kada litro.
Sa pitong linggong may rollback sa diesel, umaabot na ang kabuuang tapyas sa P2.30 habang pumapalo na sa P3 ang bawas sa kerosene.
Nagsimula ang serye ng bawas noong Oktubre 1.
Comments are closed.