BASILAN – ISANG lalaki ang nasugatan makaraang pasabugin ng riding in tandem ang gasolinahan sa Lamitan City nitong Martes ng gabi.
Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, nakilala ang biktima na si Alwadun Asnain, residente ng lungsod at napadaan lamang sa lugar.
Batay sa ulat ng Basilan City Police, naganap ang insidente dakong ala-6:47 ng gabi sa gasolinahan na matatagpuan sa Barangay Matibay.
Ayon sa pulisya, bago ang pagsabog ay nakatanggap ng extortion letter mula sa hindi nagpakilalang sender ang may-ari ng gasolinahan.
Sa ngayon, mayroon ng persons of interest ang PNP na sinasabing nasa likod ng pagpapasabog.
Naglabas na rin ang mga ito ng CCTV footage kung saan makikita ang riding-in-tandem sa paligid ng gas station.
Sinabi ni Lamitan City Police Chief Lt. Colonel Arlan Delumpines, nakatutok ang imbestigasyon sa anggulong extortion.
EUNICE CELARIO