HINIKAYAT ng Kamara ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na isapubliko ang listahan ng nagastos sa ilalim ng right-of-way (ROW) para bigyang daan ang infrastructure project ng Duterte Administration.
Sa ilalim ng Republic Act 10752 o An Act Facilitating the Acquisition of ROW Site or Location for National Government Infrastructure Projects, may karapatan ang gobyerno sa ilalim ng right-of-way na mag-acquire o bumili ng property kung ito ay maaapektuhan ng infrastructure project ng gobyerno tulad ng tulay, kalsada at flyovers.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, naglaan ang gobyerno ng P28.9 bilyon para sa right-of-way payments ng DPWH.
Subalit, mas mababa ang halagang ito ng 49% o P27.5 billion kumpara sa P56.4 billion na ROW payments ngayong taon.
“Under the law, the national government may acquire real property needed as ROW site or location for any infrastructure project via donation, negotiated sale, expropriation, or any other mode of acquisition, as provided by law,” ani Pimentel.
Giit pa nito, ang DPWH ay inaatasang maisaayos muna ang pagbili ng lahat ng right-of-way at tuparin ang anumang obligasyon niya hinggil dito bago pasimulan ang gagawing proyekto.
Gayundin, hinimok ni Pimentel ang DPWH na i-post sa website ang listahan ng payees, halaga ng ibinayad at acquired properties.
“To ensure absolute transparency and greater accountability, we would urge the DPWH to henceforth post on its website the list of payees, the amounts paid and the properties acquired to pave the way for the construction of new roads, flyovers and bridges,” anang mambabatas na dating chairman ng House committee on good government and public accountability.
Ito ay makaraang ipag-utos ng Senate Blue Ribbon Committee sa Office of the Ombudsman at sa Department of Justice na magsagawa ng lifestyle checks sa mga pinaghihinalaang opisyal na sangkot sa multi-billion-peso ROW payment scam.
Nabatid na aabot sa P8.7 bilyon ang nalugi sa DPWH dahil sa pagbili at pagbabayad sa properties na may bogus land titles sa ilalim ng right-of-way projects. CONDE BATAC / ROMER BUTUYAN
Comments are closed.