GAT JOSE RIZAL NANANATILING INSPIRASYON  SA PNP

Gat jose rizal

CAMP CRAME – INS­PIRASYON pa rin ng hanay ng Philippine National Police (PNP) ang pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal sa pagseserbisyo para sa bayan.

Ginawa ng PNP ang pahayag bilang pag-alala ng ika-123 ani­bersaryo ng kamatayan ng national hero Dr. Jose Rizal kahapon.

Ayon kay PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Franciscio Gamboa, binibigyang-pugay ng buong hanay ng pulisya ang mala­king sakripisyo ng pambansang bayani para sa bayan na naging dahilan ng kalayaang tinatamasa ng bansa ngayon.

Aniya,  natatanging inpirasyon ng 195,000 kawani ng PNP si Rizal para  isabuhay ang sinumpaang tungkulin na protektahan at paglingkuran ang sambayanan. REA SARMIENTO

Comments are closed.