GATAS AT PAGKAIN SA FEEDING PROGRAM NG DEPED IHAHATID SA MGA ESTUDYANTE

Nepomuceno Malaluan

TINIYAK  ng  Department of Education (DepEd) na tuloy pa rin ang feeding program nito para sa mga mag-aaral mula kinder hanggang grade 6 na kulang sa nutrisyon.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na pinamumunuan ni Senador Sherwin Gatchalian na kahit walang face to face classes ay tuloy ang programa.

Dagdag pa ni Malaluan na dahil sa distance learning ay  ihahatid  na lamang sa bahay ang pang-isang linggong pagkain at gatas ng mga bata na magsisimula sa pagbubukas ng klase sa Oktubre hanggang sa Disyembre 2020.

Nakipag-ugnayan na ang  DepEd sa Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology para sa mga  pagkaing isu-supply sa mga estudyante.

Sa kasalukuyan ay nasa   25,000 ng kabuuang 42,000 na mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa ang nakapagbigay ng  printing modules.

Natapos na rin ang  dry run ng may mahigit 30,000  mga eskwelahan kasama rito ang flag raising ceremony at ang magiging context ng home based learning.

Comments are closed.