GATAS NG BATA PINA-RECALL NG FDA

SIMILAC

KUSANG binawi ng kompanyang gumagawa ng infant formula na Similac Tummicare ang isang batch ng produkto dahil sa hindi magkatugmang sukat ng pang-scoop o pangtakal ng gatas at ng ins­truksiyon ng label nito ayon sa Food and Drug Administration.

Ang 820-gram packs ng Similac Batch 03518QU ay na-manufactured noong Marso “contained a smaller red preparation scoop compared to the white preparation scoop that is shown on the label instructions,” saad ng FDA.

“The product is safe to consume however, if the red scoop is used to prepare the formula according to the label instructions and provided to an infant as sole source of nutrition, it would not provide sufficient nutrition to support normal growth,” lahad ng ahensiya sa isang abiso kamakailan.

Bagama’t walang natatanggap na report ang Abbott Laboratories ng anumang reklamo mula sa insidente, nagdesis­yon sila na maging mai­ngat at kusang alisin ang produkto sa merkado, ayon sa FDA.

Para sa mga impormasyon kung paano makakukuha ng buong refund ng produkto, pinapayuhan ang kons­yumer na kumontak sa Abbott Laboratories sa kanilang  hotlines (02) 995-1555 para sa mga residente ng Maynila o 1800-10-995-1555 para sa mga taga-probinsiya o mag-email sa [email protected], paha­yag ng regulator nito.

Ang kusang pagbawi ay nakaapekto lamang sa isang batch at hindi ibang produkto ng Abbott La-bo­ratories pro­duct,  dagdag pa nila.

Comments are closed.