GAWANG PINOY NA COVID-19 VACCINES

COVID 19 VACCINE

HINILING ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy sa pamahalaan na ikonsidera ang pagpoprodyus ng sariling COVID-19 vaccines sa bansa.

Ayon kay Uy, kung hindi pa handa ang bansa para sa maramihang cold storage facilities ay dapat pag-aralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-manufacture ng bansa ng mga bakuna.

“If we do not yet have these vaccines and means of cold storage, the DTI should find ways to manufacture the vaccines and cold containers on a massive scale, along with the production of tens of millions of syringes and other supplies needed”, pahayag ni Uy.

Maaari aniyang magsagawa ng locally-produced na COVID-19 vaccines sa mga industrial estate tulad ng PHIVIDEC sa ilalim ng lisensiya ng mga original manufacturer.

Bukod dito, mangangailangan din, aniya, ang bansa ng ligtas na lugar kung saan maaaring iimbak ang mga bakuna at iba pang supply para sa hinaharap.

Bukod sa mga residente ng bansa ay isasailalim din sa pagbabakuna ang mga umuuwing balikbayan at OFWs, foreign tourists, crew ng international airlines, passenger ships, cargo ships, personnel ng mga foreign embassy at international regional headquarters, pati na ang mga visiting foreign troop.               CONDE BATAC

Comments are closed.