(ni CT SARIGUMBA)
KAPAG ganitong tila nakasimangot ang paligid, mahirap sabayan dahil paniguradong yayakapin tayo ng katamaran. Kaya’t para magkaroon tayo ng lakas at maiwasan ang pagmukmok sa loob ng kuwarto, makatutulong kung bibigyan natin ng kulay at buhay ang ating tahanan.
Kapag nagdidilim ang paligid ay dumidilim din at tila nagiging malungkot ang kabuuan ng ating tahanan. At isa ngang paraan ay ang paglalagay ng iba’t ibang décor o ang pag-u-update sa pagkakaayos ng ating tahanan.
Oo, nakatatamad ang gumalaw-galaw, mag-ayos, maglinis at magpaganda ng tahanan kapag basa at malamig ang paligid. Pero huwag natin itong idahilan. Tumayo na at simulan na ang pag-aayos ng bahay nang ganahang gumising sa umaga at makapagpah-inga naman ng maayos sa gabi ang buong pamilya.
Nangangamba tayo sa gagastusin sa pagpapaganda ng tahanan. Gayunpaman, kung magiging madiskarte lang tayo, hindi natin kailangang gumastos ng malaki at maglaan ng matagal na panahon sa pagdedekorasyon. Narito ang ilang simpleng paraan na nais naming ibahagi sa inyo:
PAGPILI NG SWAK NA KULAY SA TAG-ULAN
Kulay ang isa sa makatutulong upang maging buhay na buhay ang bawat tahanan. Maraming kulay ang maaari nating pagpilian na swak kapag tag-ulan. Unang-una nga riyan ang yellow o dilaw.
Maituturing na cheerful color ang dilaw dahil nakapagbibigay ito ng contrast sa madilim at tila malungkot na panahon. Nagbib-igay rin ito ng warm at welcoming ambiance. Dahil diyan ay perfect na perfect ito kung nagpaplano kayong magpintura ng inyong living room at hallways o baguhin ang kulay ng inyong mga wall art o wall paper.
Mainam din ang kulay dilaw sa mga lugar o bahagi ng tahanan na walang gaanong bintana o ilaw.
Kung ayaw namang magpintura ng dilaw, puwede rin namang gumamit ng ibang bagay, gaya ng paglalagay ng pillow na dilaw ang kulay. O kaya naman table cloth.
Ikalawang kulay na swak piliin o gamitin kapag nagugulumihan ang paligid ay ang turquoise. Bukod sa dilaw, mainam din ito upang mag-brighten o magkaroon ng buhay ang isang lugar o kuwarto. Madali lamang ding i-blend ito sa ibang kulay.
Panghuling kulay ang green dahil sa kakayahan nitong magbigay ng balance at harmony sa isang lugar o espasyo. Mayroon din itong relaxing ambiance kaya’t swak na swak gamitin o piliin sa mga kuwarto o silid.
Ang tatlong nabanggit ay ilan lamang sa kulay na puwede nating pagpilian. Ilang kulay na maaaring subukan ay ang orange, white o kaya naman purple. Basta’t sa pagpili ng kulay, laging isaisip na ang dahilan kaya’t babaguhin natin ang look ng isang lugar ay upang mag-brighten ito.
MAGBAWAS NG GAMIT O FURNITURE IMBES NA MAGDAGDAG
Kapag may nakikita tayong magandang gamit o pandekorasyon sa bahay o kuwarto, binibili natin nang hindi iniisip kung mak-agaganda ba ito sa lugar na ating paglalagyan o pandagdag lang ng kalat.
Oo, may mga nakikita tayong furniture na talaga namang maganda. Pero bago bumili, pag-isipan muna kung babagay ba ito sa ating paglalagyan. Mainam din kung itse-check ang buong lugar o kabahayan at tanggalin ang mga gamit na hindi naman kailangan o mapakikinabangan.
Hindi maitatanggi ng marami sa atin na nag-iipon tayo ng mga gamit. Pero kung hindi naman kailangan, imbes na itambak lang ay ipamigay nang magamit ng kamag-anak o ibang tao.
Kung dagdag kasi tayo nang dagdag ng gamit, imbes na gumanda ay maaari pa itong makasama sa look ng isang lugar.
Kaya naman, siguraduhin nating kapag magpapaganda o magdedekorasyon tayo ng tahanan, tama lang at hindi sobra. Minsan, nakapapangit din ng isang lugar ang sobrang dekorasyon.
PALITAN AT PAGANDAHIN ANG HIGAAN O KAMA
Matapos ang buong araw na pagtatrabaho, paniguradong pagod na pagod tayo. Nakadaragdag din ng pagod ang traffic, lalo na kung bumuhos pa ang ulan.
At upang makapagpahingang mabuti, mainam kung pagagandahin natin ang kuwarto lalong-lalo na ang kama o higaan.
Dahil malamig ang panahon, mainam ang pagpili ng linen na bright ang kulay at akma sa panahon.
MAGLAGAY NG BULAKLAK
Isa pa sa nakapagbibigay ng kulay at buhay sa isang lugar ang bulaklak. Maglagay ng bulaklak sa kuwarto o kaya naman sa liv-ing room nang magkaroon ito ng kulay at buhay. Nakapagbibigay rin ng bango sa isang lugar ang fresh na bulaklak.
Pinakamaganda at madaling paraan nga naman ang paglalagay ng fresh flower upang gumanda ang isang lugar. At kapag ma-ganda rin ang isang lugar, nakapagpapahinga tayong mabuti at nakagagaan ng pakiramdam.
PANATILIHING MALINIS AT MAAYOS ANG BUONG BAHAY
Kahit na anong gawin nating paglalagay ng dekorasyon, bulaklak o pagpipintura ng bahay kung hindi naman malinis at nakaay-os ang mga gamit, wala ring saysay.
At para maging buong-buo ang pagbabago at pagpapaganda ng tahanan, siguraduhing walang kalat sa buong bahay.
Maraming paraan upang mapaganda natin at mag-brighten ang tahanan kahit pa nagdidilim ang paligid. Ilan lamang ang ibi-nahagi namin na simple at hindi ka gagastos ng malaki. (photos mula sa housebeautiful.com, redlotushome.com, pinterest)
Comments are closed.