GAWING HAPPY ANG PAGIGING RETIREE!

AskUrBanker Column Head

HELLO everyone! Ngayong Sabado, ating pag-usapan ano ba ang magandang gawin kapag tayo ay retirado na?  Sabi nila, kapag retired ka na, dapat nag-e-enjoy ka na lamang gamit ang iyong pension na matatanggap. Kaya lang, minsan ay ‘di sapat ang nakukuha ng ating mga retiree para ma-sustain ang kanilang pang-araw araw na gastusin.

Kaya naman, mahalaga pa rin ang magkaroon ng kahit maliit na kabuhayan upang maidagdag sa ating panggastos. Kaya naman narito ang inyong AUBankers upang magbigay ng tips kung ano ang puwede nating gawing hanapbuhay, kahit tayo ay retired na.

  1. Sari-Sari Store

Wala pa rin yatang mas sisimple na uri ng negosyo kaysa sa sari-sari store. Dahil ito ay maaari mong itayo kahit sa harapan lang ng iyong tahanan. Maglagay lang ng mga panindang hindi kamahalan pero kaila­ngan at siguradong magkakaroon ka na ng mga suki.

  1. Cellphone Loading Station

Ito ang klase ng ne­gosyo na hindi mo na kailangan pa ng malaking puwesto. Kahit karatula lang sa harap ng bahay, puwede na! Ang kailangan lang ay ang SIM card na puwedeng magpadala ng load at ng cellphone na paglalagyan nito. Napakadali at la­ging in demand!

  1. Lutong Ulam o Carinderia

Marunong ka bang mag­luto? Ito ay puwede ring pagkakitaan! Hindi kaila­ngang masyadong mara­ming ulam. Kahit ilan lang, pero masarap, siguradong pi­pilahan!

Ilan lang ‘yan sa mga halimbawa ng businesses na puwedeng gawin ng mga retiree. Pero ang tanong ng ilan, paano ang puhunan? Hindi naman po dapat masyadong malaki. Ang importante ay masi­mulan at mapagsipagan lang at siguradong success ‘yan!

Pero para sa mga kaibigan nating retirees na naghahanap din ng medyo mas malaking pang-umpisa, maaari rin tayong mag-loan sa mga bangko tulad ng AUB. Halimbawa na lamang ay ang mga magigiting na beteranong retired na mula sa military, mayroon po ang Asia United Bank o AUB na pension loan na bagay sa inyo. Ito ang PVAO (Philippines Veterans Affairs Office) Pension Loan. Madali lamang mag-avail at hindi malaki ang inte­rest! Magtanong lamang sa kahit saang AUB branch tungkol dito at sig-uradong matutulungan kayo.

Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph).  Hanggang sa susunod!

Comments are closed.