HELLO everyone!
Ngayong Sabado, ating pag-usapan kung ano ba ang magandang gawin kapag tayo ay retirado na. Sabi nila, kapag retired ka na, dapat ay nag-e-enjoy ka na lamang gamit ang iyong pension na matatanggap. Kaya lang, minsan ay ‘di sapat ang nakukuha ng ating mga retiree para ma-sustain ang kanilang pang-araw-araw na gastusin. Kaya naman, mahalaga pa rin ang magkaroon ng kahit paano ay maliit na kabuhayan upang maipandagdag sa ating panggastos. Kaya naman narito ang inyong AUBankers upang magbigay ng tips kung ano ang puwede nating gawing hanapbuhay, kahit tayo ay retired na.
- Sari-Sari Store
Wala pa rin yatang mas sisimple na uri ng negosyo kaysa sa sari-sari store. Dahil ito ay maaari mong itayo kahit sa harapan lang ng iyong tahanan. Maglagay lang ng mga panindang hindi kamahalan pero kailangan at siguradong magkakaroon ka na ng mga suki.
- Cellphone Loading Station
Ito ang klase ng negosyo na hindi mo na kailangan pa ng malaking puwesto. Kahit karatula lang sa harap ng bahay, puwede na! Ang kailangan lang ay ang SIM card na puwedeng magpadala ng load at cellphone na paglalagyan nito. Napakadali at laging in-demand!
- Lutong Ulam o Carinderia
Marunong ka bang magluto? Ito ay puwedeng pagkakitaan! Hindi kailangang masyadong maraming putahe. Kahit ilan lang, pero masarap, sig-uradong pipilahan!
Ilan lang ‘yan sa mga halimbawa ng businesses na puwedeng gawin ng retirees. Pero ang tanong ng ilan, paano ang puhunan? Hindi naman po dapat masyadong malaki. Ang importante ay masimulan at mapagsipagan lang at siguradong success ‘yan!
Pero para sa mga kaibigan nating retirees na naghahanap din ng medyo mas malaking pang-umpisa, maaari rin tayong mag-loan sa mga bangko tulad ng AUB. Halimbawa na lamang ay ang mga magigiting na beteranong retired na mula sa military, mayroon po ang Asia United Bank o AUB na pension loan na bagay sa inyo. Ito ang PVAO Pension Loan. Madali lamang mag-avail at hindi malaki ang interest! Magtanong lamang sa kahit saang AUB branch tungkol dito at siguradong matutulungan kayo.
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph).
Comments are closed.