(Gawing na lang na iisa –ACAP) POLISIYASA DOMESTIC AIR TRAVEL

Michaela Violago

UMAPELA ang Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) sa pamahalaan na maglatag at magpatupad na lamang ng iisa o parehong polisiya para sa domestic air travel sa gitna na rin ng pagluwag sa quarantine restrictions sa bansa.

Sa pagdinig ng Committee on Transportation, inihayag ni Inez Jose ng Air Asia at siya ring kinatawan ng ACAP na bumagsak na sa 16% ang kanilang market simula nang kumalat ang COVID-19 sa bansa.

Pakiusap ng ACAP na magkaroon na lamang ng standardized requirements sa lahat ng air passengers.

Sa ngayon, aniya, ay may sinusunod na magkakaibang polisiya ng kada LGU depende kung ang biyahero ay locally stranded individuals, returning overseas Filipinos at APOR.

Inihalimbawa naman ni Nueva Ecija Rep. Michaela Violago ang napakahigpit na patakaran palabas o papunta sa Boracay, ngunit pagbalik ng Maynila ng mga bakasyunista ay wala nang mahigpit na test na ipinatutupad.

Bunsod nito ay hiniling ni Transportation Committee Chairman Edgar Mary Sarmiento sa Department of Transportation (DOTr), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Health (DOH) na magsumite ng formal communication upang makapagsagawa sila ng pulong at makabuo ng angkop na legislation kung kinakailangan. CONDE BATAC

Comments are closed.