GCASH TUMUTULONG SA ENTREPINOYS NA MAKAYANAN ANG PANDEMYA

GCASH

MASUSUSTINAHAN na ngayon ng aspiring entrePinoys at maliliit na business owners mula sa Novaliches ang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan, kikita sila ng pera at mananatiling ligtas mula sa pandemya, salamat sa GCash app ng Globe.

Ang Globe ay nakipagpartner sa Pinas Forward  — isang nation-building movement — sa pagtulong sa mga Pilipino na lumipat sa ‘new normal’ lifestyle sa ilalim ng isang bagong livelihood program.

Sa ilalim ng livelihood program, ang mga piling benepisyaryo mula sa Savings and Loans Group of Muling Pagkabuhay Parish sa Bagbag, Novaliches ay binigyan ng pondo para simulan o ipagpatuloy ang kanilang negosyo sa tulong ng GCash app. Ang mga benepisyaryo ay sinanay rin sa financial literacy at sa paggamit ng e-wallets.

Ang programa ay kaugnay sa adbokasiya ng Globe para sa financial inclusivity at paggamit ng financial technology para maserbisyuhan ang mga walang bangko.

Paglapitin ang agwat sa pagitan

ng  Financial Technology, Poverty

Sa isang pag-aaral ng Women’s World Banking at ng International Labour Organization (ILO) ay lumitaw na ang low income earners ay nanganganib na mapag-iwanan sa paglipat ng mga Pilipino sa digital solutions dahil sa pandemya.

Ito ay dahil sa kawalan ng eksperyensiya at tiwala ng low earners sa digital platforms, na layon ng GCash na resolbahin sa pamamagitan ng pagpapalawak sa access ng low-income population sa available digital financial services.

Sinabi ni Father Ross Dela Cruz, ng Diocese of Novaliches, na nakatutulong ang GCash para sa mga nais magsimula ng negosyo subalit maliit ang capital.

Ang Savings and Loans Group ay isa sa mga approach ng Diocese para sa community empowerment at savings mobilization ng parishioners — karamihan sa kanila ay kasalukuyang nasa low financial standing at nakatira sa loob ng sementeryo sa tabi ng parokya.

“Ang pandemya at ang mga problemang idinulot nito sa kabuhayan ng mga miyembro ng community ang inspirasyon [ng partnership na ito]. Gusto naming matulungan sila na magkaroon ng pagkakakitaan during these trying times para sila ay makabangon. GCash is perfect [for those starting a business] lalo na ngayong panahon kung saan napakaimportante ng safety and convenience,” pahayag ng pari.

GCash para sa lahat

Ganito rin ang damdamin ni Nicholas Allan Guerrero, isang benepisyaryo na ginamit ang pera na natanggap niya sa programa bilang karagdagang pondo para sa kanilang sari-sari store at bagong e-loading business sa kanyang hometown sa Ilocos province.

“Mahalagang matuto tayo sa paggamit ng e-wallet kagaya ng GCash dahil ito ay cashless at mas convenient. Hindi na rin natin kailangan pang lumabas ng ating mga bahay kapag gagamit nito,” aniya.

“Sa tulong ng programa ng Pinas Forward at SHeG, napalago namin ang aming negosyo sa tulong ng GCash. Dahil from P5,000.00 medyo lumalago na ito, ngayon ay umabot na ng Php 10k hanggang P30,000ang pinapaikot naming pera para sa GCash,”dagdag ni Nicholas.

Ginamit naman ni Shiryl Pasacay, 37, at may dalawang anak, ang pera na nakuha niya sa programa sa pagsustina sa kanyang sideline na pagbili at pagbebenta ng marinated meat. Gamit niya ngayon ang GCash bilang isa sa mga paraan ng pagbabayad para sa kanyang negosyo, at nagsimula rin siyang mag-alok ng e-Loading services via GCash.

“Ang payment transactions ng customers ngayon ay through GCash. Malaki talaga ang tulong dahil cellphone lang ang gamit pero kikita ka na. Less ang physical contact kaya mas safe lalo na ngayong time ng pandemic,” sabi ni Pasacay.

Binigyang-diin naman ni John Paul Bayson, isa pang benepisyaryo, ang kahalagahan ng pagkakaloob ng makabagong solusyon para makayanan ang mga hamong dulot ng pandemya sa kabuhayan ng mga tao.

“Sa panahon ngayon, bida ang malikhain. Bida ang madiskarte. Sa pamamagitan ng e-wallets tulad ng GCash, nabibigyan ng oportunidad ang mga tao at maliit na negosyante like us to reach out more to clients and to give a safe and reliable way to earn a living,” aniya.

5 thoughts on “GCASH TUMUTULONG SA ENTREPINOYS NA MAKAYANAN ANG PANDEMYA”

  1. 573832 524336Why didnt I take into consideration this? I hear exactly what youre saying and Im so happy that I came across your blog. You truly know what youre talking about, and you created me feel like I ought to learn much more about this. Thanks for this; Im officially a huge fan of your blog 50975

Comments are closed.