GCQ PA RIN SA METRO (Inaasahang idedeklara sa Hunyo 15)

Eduardo Año

POSIBLENG  manatili pa rin sa general community quarantine (GCQ)  ang National Capital Region (NCR).

Ito ay kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng GCQ sa Metro Manila sa darating na Hunyo 15.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, ito ay bunsod ng mataas na naitatalang fresh cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon kada araw.

Sinabi pa ni Año, hindi pa rin kasi naabot ang downtrend ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Filipinas.

Aniya, kung ire-relax na kasi ang mga umiiral na health at community quarantine protocols sa NCR ay posibleng tumaas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, sinabi ng kalihim na patuloy pa nilang pinag-aaralan ang mga datos, at kokonsulta rin sila sa mga alkalde sa Metro Manila kung saan dito  nila ibabatay ang kanilang magiging rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte. DWIZ882

Comments are closed.