PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque gabi ng Lunes na inaprubahan ng Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Inilagay rin ng Pangulo sa GCQ ang ilang lugar sa Luzon hanggang sa Hunyo 30 na kinabibilangan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Santiago City sa Cagayan Valley (Region 2); Aurora, Bataan, Bulacan, Tarlac, Olongapo City in Central Luzon (Regoin 3); Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon, o ang buong Calabarzon Region (Region 4-A), at Occidental Mindoro sa Mimaropa (Region 4-B).
Sa Central Visayas, ilang lugar din ang extended GCG tulad ng Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor, Mandaue City, at Lau-Lapu City.
Sa Mindanao, nasa GCQ ang Davao City at Zamboanga City habang ang Cebu City ay Ibinalik sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 at pagkalat o community transmission sa karamihan ng mga barangay sa lungsod.
Ang Talisay City sa Cebu ay inilagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ) habang mananatili ang ibang mga lugar sa modified general community quarantine (MGCQ) hanggang sa Hunyo 30, 2020.
Pinaluwag ang lockdown restrictions sa bansa noong Hunyo 1 upang unti-unting buksan ang ekonomiya na matinding napinsala ng pandemya.
Nauna rito ay sinabi ni Roque na maaring ma-downgrade ang GCQ sa modified general community quarantine (MGCQ). PILIPINO MIRROR Reportorial Team
Comments are closed.