GCQ SA HUNYO PANATILIHIN-OCTA

IMINUNGKAHI  ng isang independent research group sa pamahalaan na panatilihin muna ang general community quarantine (GCQ) status sa Metro Manila at mga kalapit pang lalawigan o NCR Plus areas, sa buwan ng Hunyo.

Ayon sa OCTA Research Group, ito’y upang matiyak na magpapatuloy pa rin ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa mga naturang lugar.
Ipinaliwanag nina OCTA Research fellows Professor Guido David at Fr. Nicanor Austriaco na bagamat bumababa pa rin ang mga COVID-19 cases sa NCR Plus areas ay mataas pa rin ang naturang bilang.

“While we believe that we can relax restrictions, we think that we should try to retain the GCQ at this time because the cases are still significant,” ayon pa kay David, sa isang online forum.

Sa kasalukuyan ang NCR Plus areas ay nasa ilalim pa ng “GCQ with heightened restrictions” status hanggang sa katapusan ng Mayo.

Sinabi naman ni David na ilan sa mga naturang “heightened restrictions” ay maaari nang i-relax upang payagan ang mas marami pang negosyo na mag-operate sa mas mataas na kapasidad.

Idinagdag pa ng grupo ng mga eksperto na masyado pang maaga para paluwagin na ang restriksiyon sa NCR Plus sa pinakamaluwag na modified GCQ (MGCQ) dahil maaaring maghatid ito ng maling mensahe sa mga mamamayan.

Aniya, ang nais nilang maiwasan ay ang maging kampante ang mga tao at magpabaya dahil maaaring mauwi itong muli sa panibagong surge ng mga sakit.

“We want to avoid situations where people become very complacent because they feel that the situation has improved significantly, that there are no more cases, when in fact there are still cases,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, sinabi ng OCTA na ang Metro Manila ay mayroon na lamang 1,099 bagong COVID-19 cases kada araw nitong nakalipas na linggo, o 80% pagbaba kumpara sa peak ng COVID-19 surge noong mga nakalipas na buwan.

Bumaba na rin ang reproduction rate ng sakit sa rehiyon na nasa 0.53 habang ang positivity rate ay bumaba na rin sa 10% mula sa dating 25% noong Abril. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “GCQ SA HUNYO PANATILIHIN-OCTA”

  1. 718663 282807Empathetic for your monstrous inspect, in addition Im just seriously good as an alternative to Zune, and consequently optimism them, together with the extremely excellent critical reviews some other players have documented, will let you determine whether it does not take appropriate choice for you. 737383

Comments are closed.