GDH EXPORTS TULOY SA PAGLAGO

NAGBUBUNGA na ang mga inisyatibo upang lalong mapalakas ang gifts, décor and houseware (GDH) sector sa bansa.

Sa 2018 trade statistics ay lumitaw na bagama’t bumaba ang total export sales ng bansa, ang GDH sector ay patuloy sa paglago na may 23.9 percent increase sa exports na mula US $166.54 million noong Disyembre 2017 ay umakyat sa $206.34 million noong Disyembre 2018.

Ang patuloy na paglago ng GDH sector ng bansa ay bunga ng collaborative efforts ng government at private sector stakeholders upang lalo pang itulak ang pagiging kumpetitibo ng industriya sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatibo tulad ng industry policy interventions, product development, pagpapalakas sa supply chain, at promotion activities.

Isang key promotion initiative ay ang relaunch ng MA’I Lifestyle, ang official brand ng sektor,  sa katatapos na 69th Manila FAME sa World Trade Center sa Manila.

Isinagawa sa pakikipagtulungan ng limang Business Support Organizations (BSOs) na kinabibilangan ng Association of Negros Producers (ANP), Home Accents of the Philippines Inc. (HAPI), Mindanao Trade Exposition Foundation (MTE), Philippine Chamber of Handicraft Exporters and Artisans Inc. (PCHEAI), at the Philippine Lifestyle, Homestyle and Holi-day Décor Association (PhilHHDA), ang  relaunch ay isang strategic move upang paigtingin ang brand recall para sa MA ’I Lifestyle at higit na maisulong ang Filipinas bilang primary source ng maaasahang GDH products.

Comments are closed.