GDP FORECAST PARA SA PINAS BINABAAN NG WORLD BANK

WORLD-BANK

BINABAAN ng World Bank ang economic growth forecast nito para sa Filipinas ngayong taon sa harap ng paghina ng exports at ng pinsalang idinulot ng bagyo sa agrikultura.

Ayon sa Philippines Economic Update (PEU) na ipinalabas ng World Bank kahapon, ang economic growth sa 2018 ay nasa 6.5 percent, mas mababa sa naunang pagtaya na 6.7 percent.

Ang update ay ipinala­bas makaraang bumagal ang paglago sa 6.0 percent sa second quarter ng taon mula sa 6.7 percent noong 2017,  kung saan ang year-to-date growth ay nasa 6.3 percent.

“Heightened global uncertainty and rising domestic inflation weighed on the Philippine economy in the first half of 2018,” wika ni Rong Qian, senior economist para sa World Bank sa Filipinas.

Ito na ang ikatlong pagbaba sa Philippine economic outlook matapos na ibaba ng International Monetary Fund (IMF) noong nakaraang linggo ang outlook nito sa 6.5 percent mula sa 6.7 percent na nauna nitong pagtaya.

Noong nakaraang buwan ay binabaan din ng Asian Development Bank (ADB) ang forecast nito sa 6.4 percent mula sa naunang pagtaya na 6.8 percent.

Comments are closed.