BINABAAN ng Asian Development Bank (ADB) ang economic growth forecast nito para sa Filipinas dahil sa pagkakaantala ng 2019 budget.
Sa Asian Development Outlook Supplement na ipinalabas kahapon, sinabi ng Manila-based ADB na inaasahan nito na lalago ang gross domestic product ng bansa ng 6.2% ngayong taon, mas mabagal sa naunang pagtaya na 6.4%.
Naunang nagbigay ng forecast ang ADB na lalago ang ekonomiya ng Filipinas ng 6.9% ngayong 2019. Ibinaba ito sa 6.7% noong Setyembre, at sa 6.4% noong Abril 2019.
Ayon sa bangko, ang pagkakaantala ng pagpasa sa national budget ang nagtulak sa paglago sa first quarter sa 5.6%— ang pinakamabagal sa apat na taon.
Ang P3.757-trillion national budget ay nilagdaan ni Presidente Rodrigo Duterte noong Abril 15, subalit ang P95.3 billion na halaga ng mga programa ay na-veto dahil hindi ito bahagi ng priority projects ng Pangulo.
Ayon sa ADB, ang public consumption ay bumagal sa 8.6%, habang ang paglago sa government consumption ay nasa 7.4% sa first quarter mula sa 12.6% sa fourth quarter ng 2018.
“Growth in exports of goods and services also slowed as a result of lackluster global trade and economic activity and the downturn in the electronics cycle,” ayon sa ADB.
“As a consequence of these developments in Q1, the growth forecast is revised down to 6.2% for 2019, though maintained at 6.4% for 2020,” dagdag pa nito.
Comments are closed.