GELLI DE BELEN HAPPY SA PAGBABAGO NG MGA ANAK

GELLI DE BELEN

KAHIT hindi kapiling at nami-miss ang dalawang anak na lalake, sobrang happy na rin si Gelli de Belenthe point dahil malaking  ang ipinagbago ng mga ito.

“You know what, kung meron man akong pinagpapasalamat, ang laki ng pinagbago nilang dalawa simula nang tumira sila doon,” paliwanag niya.

“Siyempre, hindi mo naman masisisi dahil nandiyan ako, may pagka-spoiled. Pero ngayon, independent na sila, may pagka-responsible. Lalo na ‘yung panganay,” dugtong niya.

Mas priority raw ng kanyang mga anak ang kanilang pag-aaral kaysa ang pagkakakaroon ng girlfriend. Hirit pa niya, makabubuti na raw na sa kanilang edad ay naihanda na nila sina Joaquin at Julio sa ganoong responsibilidad.

“Kaya naman puring-puri sila ng Dad nila. Kasi, kahit narito sila at nagbabakasyon, hindi rin good time ang kanilang inaasikaso, “ ani Gelli.

Si Gelli ay kasama sa cast ng “Ika-5 Utos”, ang pinakabagong primetime series sa GMA7 na idinirehe ni Laurice Guillen.

Sa nasabing te­leserye na ta­talakay sa pag­patay ay gina­gampanan niya ang role ng ina ni Jake Vargas, na boyfriend ng kanyang pamangkin na si Inah de Belen.

May pelikula ring tapos na ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen: ang comedy-drama na “Ang Sikreto ng Piso” na idinirehe ni Perry Escano.

KIKO MATOS WAGI BILANG BEST ACTOR

KIKO MATOSHAPPY  ang indie actor na si Kiko Matos dahil sa pagwawagi niya bilang best actor sa short film na “Kiss” na naging kalahok sa 1st Film School Manila Filmfest awards.

Kasama niya rito si Mercedes Cabral at idinirehe ito ni Harlene Bautista.

Hataw din ang career ni Kiko dahil dalawa ang entries niya sa 3rd edition ng Tofarm filmfest.

Nasa cast siya ng “Ali­muom” ni Keith Sicat na isang science fiction at  “Mga Anak ng Kamote” ni Carlo Enciso Catu na isang futuristic drama.

Comments are closed.