GEN. BERROYA IGINUPO NG CANCER

SUMAKABILANG buhay na ang administrador ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na si retired Police Brigadier General Reynaldo Berroya.

Ayon sa Department of Transportation, pumanaw si Berroya sa edad na 74 dulot ng kaniyang matagal nang pakikipaglaban sa colon cancer.

Kasabay nito, nagpaabot ng taus-pusong pakikiramay si Transportation Sec. Arthur Tugade sa naulilang pamilya ni Berroya kasama ang mga bumubuo ng kagawaran gayundin ng sektor ng transportasyon.

Bago mahalal na administrador ng LRTA noong 2017, nagsilbi muna si Berroya bilang Transportation Advocate.

Matagal ding nanilbihan si Berroya sa PNP kung saan ay pinamunuan nito ang PNP Intellegence Group bago italaga ng noo’y Vice President Joseph Estrada bilang Presidential Anti-Crime Commission o PACC.

Naging mahigpit na kritiko rin si Berroya si dating PNP Chief at ngayo’y Senador Panfilo Lacson sa isyu ng Kuratong Baleleng rubout case noong dekada 90. DWIZ882