GEN. ELEAZAR, 4 ROOKIE COPS  PINARANGALAN

Chief-Supt-Guillermo-Eleazar

APAT na tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr.,  ang pinarangalan gayundin si NCRPO Chief, Chief Supt.  Guillermo Eleazar sa 117th Police Service Anniversary.

Ang PNP Medal of Merit (Medalya Ng Kagalingan) ay tinanggap ni PO1 James Patrick Castillo ng Fairview Police Station (PS 5) dahil sa matagumpay na anti-illegal drug operation noong May 29, 2018 sa Brgy. Greater Fairview,  matapos nitong magpanggap bilang buyer at paputukan ito  na nakaligtas naman.

Habang si PO1 Florjoe Padilla at PO1 ­Richard Abuan ng  Galas Police Station (PS 11) ay tumanggap ng Medal of Merit dahil sa matagumpay na  follow-up operation dahil sa robbery (snatching) at nauwi sa barilan nito lamang August 5, 2018 malapit sa drugstore ng  EDSA corner Kamuning Rd. dahilan upang maaresto ang suspek at marekober pa ang mga nakuhang gamit mula rito

Si PO1 Jonathan Pe­ralta naman ng Talipapa Police Station (PS 3) ay nasugatan at tumanggap ng PNP Wounded Personnel Medal (Medalya ng Sugatang Magiting) sa pagpapakita ng kanyang katapangan habang isinasagawa ng anti-illegal operation noong July 27, 2018 sa Brgy. Bahay Toro, kung saan  nabaril ito ng suspek sa kanyang likuran. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.