GEN. ELEAZAR NEXT PNP CHIEF

KINUMPIRMA ni Interior Secretary Eduar­do Año na si Lt. Gen. Guillermo Eleazar na ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) matapos na aprubahan ang appointment nito ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Año, papalitan ni Eleazar ang mag­reretirong si dating PNP chief Gen. Debold Sinas sa darating na Mayo 8.

Una nang sinabi ng kalihim na base sa se­niority at pinakamataas na posisyon na posibleng humaliling PNP Chief, sa PNP command group ay kasama rito sina Lt. Gen. Guillermo Eleazar, deputy chief for administration; Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, at Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, hepe ng directorial staff.
Sina Eleazar, Binag at Sinas ay kabahagi ng Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class of 1987. EVELYN GARCIA

NAGPASALAMAT
KAY PANGULONG DUTERTE

MAKARAANG aprubahan na maging ika-26 hepe ng Philippine National Police.(PNP), nagpasalamat si Lt. Gen. Guillermo Elezar kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang mensahe sa media, sinabi nito na “rare opportunity” ang maitalagang PNP chief kaya upang maging karapatdapat ay tutugon siya sa hamon na maging mahusay na lider ng mahigit 220,000 pulis.

Si Eleazar na mistah ni outgoing PNP Chief Gen. Debold Sinas ay may anim na buwan pa sa tungkulin dahil sa Nobyembre 13 pa ito magreretiro.

Bababa naman sa puwesto si Sinas sa darating na Sabado.

Si Eleazar ay ika-6 na PNP chief na naitalaga sa Duterte administration. EUNICE CELARIO

2 thoughts on “GEN. ELEAZAR NEXT PNP CHIEF”

Comments are closed.