PORMAL nang nanumpa sa kanyang tungkulin si dating Armed Forces of the Philippines chief of Staff Gen. Carlito Galvez bilang bagong peace adviser ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Opisyal nang nanungkulan si Galvez Jr. bilang kahalili ni Secretary Jesus Dureza bilang pinuno ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process matapos na magbitiw ang huli sa gitna ng isyung korupsiyon na kinasasangkutan ng kanyang mga tauhan.
Subalit bago pa manumpa si Galvez ay aktibo na nitong isinusulong at pinangangalagaan ang nabuong peace talks sa hanay ng MILF kung saan nasilbi ito sa loob ng 12 taon.
Si Galvez ay umani ng paggalang sa hanay ng mga rebeldeng Muslim kaya nagagawa nitong makapasok sa mga lugar na madalas na napa-paslang ang mga sundalo o mga lugar na tinaguriang “point of no return.”
Nagsilbi ring chairman ng Committee on the Cessation of Hostilities si Galvez bago ito nahirang na AFP chief.
Ang pagkakatalaga kay Galvez ay nataon sa panahong naghahanda ang Mindanao sa gaganaping plebisito kaugnay sa isinusulong na Bangsamoro Organic Law (BOL). VERLIN RUIZ
Comments are closed.