OPISYAL nang nanungkulan si retired AFP chief of Staff Gen. Carlito Galvez bilang Presidential Peace Adviser ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay Galvez, ang kanyang karanasan sa armadong hidwaan ay nagtulak sa kanya upang mas maging deteminadong piliin ang kapayapaan sa pag-resolba sa political disputes sa bansa.
“Have you seen the tears of a dying man? I did many times… It is very painful,” pahayag ng kalihim sa ginanap na handover rites sa punong tanggapan ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).
“We cannot go back to war anymore,” ani Galvez.
May mga kritiko umano na nagsasabing “that I come from an institution that manufactures war machines.”
“But let me tell you, having been in the military for decades made me see the ugly head of armed conflict. In my early days in the military service, I was wounded in a battle somewhere in the Davao area. That experience has made me choose the path of peace.”
Kaugnay nito inihayag naman ni outgoing/resigned former Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na kumpiyansa siya na inilipat niya ang pamamahala ng OPAP sa taong mapagkakatiwalaan at kilala niya nang matagal na panahon.
“Walang ibang tao na kayang magsulong ng kapayapaan kumpara sa taong halos araw-araw na humarap sa mukha ng digmaan bilang isang sundalo,” ani Dureza.
Hindi si Galvez ang kauna-unahang retired general na nagsilbing Presidential Peace Adviser.
Unang humawak ng posisyon si General Manuel Yan, na naging ambassador matapos niyang maisakatuparan ang pirmahan para sa Final Peace Agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF).
Ang iba pang mga sumunod na military men na nagsilbing mga Presidential Peace Adviser ay sina General Eduardo Ermita, General Hermogenes Esperon at General Avelino Razon, na nagmula naman sa Philippine National Police.
“We have the plebiscite in Mindanao to win. We have also newly President Duterte’s EO 70 to accomplish. And we have other equally important peace tables that we need to continue to engage with,” paghayag pa ni Sec. Galvez. VERLIN RUIZ