GEN GALVEZ UMALMA SA ILANG PROVISION NG DRAFT SA CONSTITUTION

Gen Carlito Galvez

NAGPAHAYAG ng ilang rekomendasyon at pagtutol si Armed Forces chief of staff Gen Carlito Galvez sa binabalangkas na mga pagbabago sa Saligang Batas.

Una rito ang may kaugnayan sa surveillance warrant draft at ang pagtutol na tanggalin sa Konstitusyon ang pagiging protector of the people ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Mariing tinututulan ni Galvez ang ilang probisyon sa proposed new charter na binabalangkas  ng binuong Consultative Committee (Con-com) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isinagawa kamakalawa ng hapon ang  presentasyon ng mga amendment sa Konstitusyon na ginanap sa Camp Aguinaldo sa pangunguna ni Army Lt. Gen. Ferdinand Bocobo.

Dito ay pinuna  ni Galvez  ang pagtanggal sa AFP bilang protector of the people.

Ayon sa heneral, malaking karangalan sa AFP ang pagiging protektor ng sambayanang Filipino.

Bukod dito, pinuna rin ng heneral ang pag­limita sa paggamit nila ng electronic surveillance dahil hindi ito makatutulong sa kanilang operation.

Sinasabing maaaring magbunga ito ng  “unintended consequence” gaya ng pag-dismiss sa kaso ng mga suspek.

Tiniyak naman ni Bocobo kay Galvez na kanilang ite-take note ang naging  suggestions at recommendations  ng heneral.

“We’ll take note of your suggestions and recommendations anyway,” wika ni Bocobo sa pahayag ni Galvez.

Inihayag pa ni Bocobo na kanila ring isinama sa proposed Constitution ang surveillance warrant, arrest and search warrants na layon na protektahan ang anumang unnecessary, unreasonable surveillance sa isang indibidwal.  VERLIN RUIZ