GEN.PALPARAN ABSUWELTO SA KASONG KIDNAPPING

BULACAN- PINAWALANG sala ni Branch19, Regional Trial Court Presiding Judge Felizmenio Francisco Padilla, ang kasong kidnapping at Serious illegal Detention with serious Physical Injuries si Ret. Gen. Jovito Palparan Jr.

Nauna nang isinampa ng pamilya nang magkapatid na Raymond at Reynaldo Manalo sa mababang korte ng Malolos ang nasabing kaso.

Sinasabing dinukot noong Pebrero 2006 ng militar ang mag -utol na pinamumunuan ni Palparan.

Nabatid na walang malinaw o walang sapat na ebidensya na matuturo sa retiredong general na may kinalaman ito sa pagkawala at pagmamalabis ng magkapatid na unang inakusahan na miyembro ng New Peoples Army (NPA).

Ganap na alas-1 ng hapon kahapon ay dumating ang ilang miyembro ng militanteng grupo at mga kaanak ni Manalo upang magsagawa ng kilos protesta.

Samantala, bantay sarado naman sa mga pulis at SWAT ang paligid ng RTC sa Malolos City.
THONY ARCENAL