GEN Z MAS HANDA KAYSA MILLENNIALS

HIGIT na handa ang Generation Z kumpara sa millennials sa pagharap sa hamon ng edukasyon sa gitna ng pandemya, bagamat ang “new normal” na online classes at iba’t ibang modalities, at kawalan ng face to face classes  ay nakaapekto sa pangkalahatang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ayon kay Hanna Veltheim, isang researcher, ang mga magulang ng Generation Z ay nabibi­liang sa mga millennials na naisilang sa panahon ng digital age and  technology kaya mas technology savvy sila paggamit ng mga gadget tulad ng mga computer, laptop, at cellphone at  sa pag navigate ng mga tools.

Kumpara sa mga millennials na ang mga magulang ay itinuturing na nabibilang sa heneras­yon na “baby boomers” at gene­ration X na pawang wala pang masyadong kamalayan sa paggamit ng mga teknolohiya na gina­gamit ng mga kasalukuyang he­nerasyon. Luckily, better equipped ang Gen Z kesa Millennials dahil sila ang kauna-unahang “digital native” generation. Mas tech-savvy sila kesa nga Millennials, pero magkaiba pa rin ang dalawang henerasyon.

Ang mga baby boomers ay ang mga isinilang ng 1946 hanggang 1964. Ang ge­neration X ay mga ipina­nganak sa pagitan ng taong 1965 hanggang 1980. Ang generation Y o ang henerasyong mas nakilala sa taguring “millennials” ay ang mga isinilang sa taong 1981 hanggang 1996.

Ang mga taong naipanganak sa panahong ito ay kasalukuyang nasa pagitan ng edad na 24 hanggang 40 taong gulang.

Ang generation Z ang isa sa pina­kabagong hene­rasyon na naisilang sa pagitan ng 1997 at 2012 at ang mga edad ay kasalukuyang nasa pagitan ng 6 hanggang 24 taong gulang.

Ang pinakabatang  henerasyon ay ang generation A, ang henerasyong naisilang sa pagitan ng 2012 hanggang sa mga ipapa­

nganak sa taong  2025.

Ayon sa ilang mga magulang, nagpapasalamat sila sa mga hakbang ng pamahalaan at mga paaralan na pilit ipinagpapatuloy ang pagtuturo sa mga bata sa gitna ng  hamon ng pandemya. Mula nang nagkapandemya  ay iba ibang modalities ang isinagawa sa mga pribado at pampublikong paaralan upang maturuan ang mga bata.

Sa mga pribadong paaralan, mas may kakayahan ang mga pamilya ng mga mag aaral na magkaroon ng gadgets tulad ng computer at tablet kaya nagagawa nila ang blended learning. Kulang man ito, mas mabuti pa rin kesa modular lessons lamang sa pampublikong paaralan.

Sa isang pag  aaral, inirekomendang patatagin ang online classes upang iangat ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ngayong panahon ng pande-mya. Ngunit ang pangit na internet connection ang balakid. Sa kasalukuyan, Pilipinas ang may pinakamabagal na internet connection sa Asia. By DR. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA, EdD

 

98 thoughts on “GEN Z MAS HANDA KAYSA MILLENNIALS”

  1. 223217 581579Hey, I think your blog might be having browser compatibility issues. When I look at your website in Opera, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, fantastic blog! 641219

  2. 675605 172452The vacation special deals offered are believed as a selection of possibly the most preferred and therefore within your budget all over the globe. Quite several hostels can be proudly located inside property which is accented who has striking seashores encouraging crystal-clear rivers, contingency of an Ocean. hotels compare rates 129419

Comments are closed.