GEN Z, TECHNOLOGY AT ANG KANILANG COMFORT ZONE

HALOS  95% ng Gen Z teens na ang eda ay 13-17 years old ang may access sa smartphones, at kahit ang mga pamilyang may maliit na family income ay may computer sa bahay.

Ayon sa pag-aaral, mayaman man o mahirap na teenager ay nakagagawa ng paraang magkaroon ng cellpone, dahil isa na ito ngayon sa family necessity – ang communication tool.

TikTok ngayon ang isa sa top online platform na kinalolokohan ng kabataan, pero hindi rin aman pahuuli ang Facebook.

Pabago-bago ang landscape ng social media lalo na sa Kabataang laging nangunguna sa cyberspace. TikTok ngayon, baka bukas, iba naman. Pero hindi nawawala sa top 3 ang FB. Minsan ding nanguna ang YouTube noong 2022, ang Instagram noong 2023 at iba pang social media platform tulad ng Snapchat, Twitter, Twitch, WhatsApp, Reddit at Tumblr, ngunit lahat yan ay ‘come & go.’ Ang mga pagbabago sa social media landscape mula pa noong 2014 ay ay dahilan upang medyo mapabayaan ang Facebook, ngunit hindi naman tuluyang nakakalimutan.

Sabi ng mga teens, mas gusto nila ang Instagram at Snapchat dahill mas maraming pictures ang kanilang naipo-post. Sa ngayon, hindi na masyadong sikat ang Twitter at Tumblr, at tuluyan na ring nawala ang Vine at Google+.

May pagkakaiba sa mga gustong platform ng babae at lalaking teenagers. Halimbawa, mas gumagamit ng YouTube, Twitch at Reddit ang mga lalaking teens Thabang mas gusto naman ng kababaihan ang TikTok, Instagram at Snapchat.

Nabatid din sap ag-aaral na ang limang platforms na mas ginagamit ngayon ay YouTube, TikTok, Instagram, Snapchat at Facebook. Isa o dalawa sa nasabing mga platforms ay ginagamit araw-araw ng kabataan. At sa kasamaang palad, karamihan sa mga teens na Pinoy ay hindi mabubuhay na walang FB o YouTube.

Kung ang mga baby boomers ay nahihirapang mag-adjust sa technology, ang Gen Z, hindi mabubuay na walang technology. At kung patitirahin mo sila sa lugar na walang internet tulad ng Batanes o sa bukid na mahirap humanap ng signal, magiging napakahirap ng kanilang buhay.

Higit pa sa online platforms, natuklasang ang karamihan sa mga teens ay may access sa digital devices, tulad ng smartphones, desktop o laptop at gaming consoles. Hindi lamang iyan. Sila rin ay araw-araw na gumagamit ng technology devices. Mas marami ang may access sa smartphones, desktop at laptop computers, at gaming consoles.

Syempre, depende rin ito sa household income. Accessible ang smartphones dahil merong murang ganito at meron pang secondhand. Pwede rin ang desktop at laptop, ngunit kapag may extra money lamang ang pamilya.

Sino pa nga ba ang walang cellphone sa panahong ito? Kapag may smartphone, natural lamang na may internet din, at aminado silang gumagamit sila ng internet araw-araw.dagdag pa rito, nagagalit talaga sila kapag mahina ang internet o kaya naman ay napuputol ang serbisyo.

Mga Pinoy ang nangunguna sa Asia sa paggamit ng internet, lalo na ng messenger, GCash, online banking at iba pa. maiwan na anh wallet, huwag lamang ang cellpone. Kasi, nasa cellphone lahat ang records niya – ID, GCash, online banking at kung anu-ano pa.. idagdag pa ang Waze, Google Map, photos, communication at marami pang iba. Lahat ng bagay nggayon ay umiikot na sa cellphone. Kahit nga panliligaw ngayon ay dinadaan na rin sa messages.

Sabihin nang hindi na ganoon kasikat ang Facebook. Pero isipin na lang, messenger pa rin ang una nating naiisip kapag gusto nating makipag-communicate. Parang toothpaste lang – kahit close-up ang gusto mo, colgate pa rin ang nasasabi mo sa tindahan. Nauna kasi ang FB.

Malaking bahagi na ng buhay ng kabataan ang social media. Bahagi na ito ng kanilang routine. Paggising s aumaga, kakapain na ang cellphone na nakatulugan na noong nagdaang gabi. Pagkaauin ng almusal, bitbit pa rin ang cellphone, dahil ire-record ang lecture ng teacher na kinatatamarang pakinggan, na ang plano ay pakikinggan na lamang sa bahay kapag walang ginagawa. Ang problema, kelan ba walang ginagawa? Lahat ng oras nila ay halos nauubos sa ML games o sa pakikipag-usap sa kaligawan via Viber.

Ito kasi ang buha-Gen Z. Hindi mabubuhay ng walang social media. NLVN