BUMAGAL ang annual rate ng general retail price index (GRPI) sa National Capital Region (NCR) sa 3.6 percent noong Setyembre mula 3.9 percent noong Agosto.
Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Martes, mas mabagal din ito sa 5.9 percent na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
“The primary contributor to the deceleration in the annual increase of GRPI in NCR was the slower annual increase recorded in the heavily weighted food index at 6.2 percent during the month from 6.9 percent in August 2023,” ayon sa PSA.
Naitala rin nito ang mas mababang annual increase sa commodity groups, tulad ng crude materials, inedible except fuels, chemicals, kabilang ang animal at vegetable oils at fats, manufactured goods classified chiefly by materials, machinery at transport equipment, at miscellaneous manufactured articles.
Gayunman ay naitala ang mas mabagal na annual decrease sa index ng mineral fuels, lubricants, at related materials sa 1.9 percent noong September 2023 mula sa annual decline na 5 percent sa naunang buwan.
(PNA)