GUMUGULONG na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mungkahi ng Department of Finance (DOF) na General Tax Amnesty sa layuning makalikom ng karagdagang buwis ang Bureau of Internal Revenue (BIR) bunsod ng pinsalang idinulot ng pandemyang COVID-19.
Sa nasabing batas, lahat ng mga unpaid o hindi nababayarang buwis ay magkakaroon ng pagkakataon na mabayaran sa Kawanihan at malinis naman ng Rentas ang kanilang data base matapos amyendahan ng kongreso ang Section 6 ng National Internal Revenue Code of 1997.
“The measures provides that a general tax amnesty shall be granted, which shall cover all paid revenue taxes, except estate tax, collected by the BIR for the taxable year 2018 and prior years with or without assessments duly issued,” paliwanag ni Commissioner Caesar Billy Dulay.
Ang nasabing General Tax Amnesty, ayon kay Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III, ay nasa ikalawang pagbasa na sa Kongreso.
Ang BIR, ayon kay Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa, ay masigasig sa tax mapping campaign nito upang kumalap ng karagdagang buwis matapos na maapektuhan ang tax collections ng COVID-19 pandemic.
Sa kabila ng matinding dagok sa pinsala sa ekonomiya ng bansa, kumpiyansa pa rin ang BIR na makukuha nila ang tax collection goal na iniatang sa kanila.
Sa katunayan, dahil sa pagpupursigi ng regional directors, revenue district officers, assessment chiefs, collection agents at examiners, marami pa rin ang nagpamalas ng mahusay na tax collections performance.
Ang BIR Manila sa ilalim ni Regional Director Jethro Sabariaga ay nagpamalas ng magandang tax collection performance, kasama ang kanyang Revenue District Officers, gayundin sina QC-A at QC-B Regional Director/s Albin Galanza at Romulo Aguila, Jr at ang kanilang RDOs.
Ikinagalak din ni Commissioner Dulay ang colelction peformance at ranking ng tax collections nina Caloocan City at Makati City Regional Directors Grace Javier at Glen Geraldino at kanilang RDOs.
Sa tax collection data performance, nanguna si Director Geraldino, sumunod si Director Sabariaga at magkakasunod na sina Director Galanza, Director Aguila at Director Javier.
Topnotcher naman si CPA-Lawyer RDO Rufo Ranario, ng Valenzuela City, at magkakasunod sina RDOs Arnold Galapia, Cora Balinas, Rodel Buenaobra, Beth Bautista, Vicente ‘Boy’ Gamad, Saripuden Bantog, Joe Luna, Antonio Ilagan at iba pa mula sa QC, Manila, Pasig, San Juan at iba pang distrito sa Metro Manila.
Ang muling pagsigla ng tax collection performance ng mga distrito sa Metro Manila sa gitna ng pananalasa ng COVID-19 ay indikasyon na nakababangon na ang ekonomiya, negosyo, kalakalan at pananalapi sa bansa.
Ang pagtaas ng tax collections ng BIR ay tumutugma sa medium-term program ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ukol sa koleksiyon sa buwis na tataas ng hanggang 10.5 percent mula sa P2.3 trillion sa taong ito, 12.3 percent para sa susunod na taon at 11.7 percent naman para sa taong 2022.
Ang BIR ay naatasang kumolekta ng P2.371 trillion sa taong ito, P2.914 trillion sa taong 2021 at kabuuang P3.287 naman sa taong 2022.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].
Comments are closed.