GENERAL TAX AMNESTY IBINASURA

DUTERTE-18

VINETO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang probisyon sa tax amnesty bill na nagkakaloob ng general amnesty pro-gram, at hiniling sa Kongreso na baguhin ang panukalang batas at isama ang pag-aalis sa bank secrecy para sa fraud cases.

Ibinasura ni Duterte ang general tax amnesty para sa lahat ng  unpaid internal revenue taxes, kabilang ang income tax, withhold-ing tax, capital gains tax, donor’s tax, value added tax, documentary stamp tax, other percentage taxes at excise taxes na kinokolekta ng  Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) para sa taxable year 2017 at mga naunang taon.

Inaprubahan naman ng Pangulo ang estate tax amnesty at ang amnestiya sa delinquency taxes.

Sa ilalim ng Konstitusyon, ang Pangulo ay may line-item veto power para sa anumang budget, tax at tariff bill na ipinasa ng Kongreso.

Sa isang liham sa Kongreso, sinabi ni Duterte na napilitan siyang i-veto ang bahagi ng bill na sumasaklaw sa general amnesty dahil sa kawalan ng mga probisyon, “breaking down the walls of bank secrecy, setting the legal framework for us to comply with international standards on exchange of information for tax purposes, and safeguarding against those who abuse the amnesty by declaring an untruthful asset or net worth.”

“A general amnesty that is overgenerous and unregulated would create an environment ripe for future tax evasion, the very thing we wish to address,” ani Duterte.

Aniya, ang karanasan ng bansa sa 2006 tax amnesty sa ilalim ng Republic Act 9480 ay nagpakita na sa kawalan ng safeguards at measures  laban sa tax evasion,  ang mga layunin ng amnestiya tulad ng pag-likom ng revenues at mapalawak ang tax base ay hindi matatamo.

Comments are closed.