MATAGUMPAY ang kick-off rally ng Bagong Pilipinas na isinagawa kagabi sa Quirino Grandstand, Ermita, Maynila.
Ala-6 ng gabi nang dumating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Atty. Louise Araneta-Marcos sa Quirino Grandstand.
Dumalo ang nasa 400,000, as of 6PM, habang buong bansa o iba’t ibang local government units ay lumahok sa pamamagitan ng zoom conference.
Naroon din si dating Pangulong Gloria Arroyo na ngayon ay Pampanga Congresswoman.
Kumpleto rin ang iba’t ibang ahensiya, departamento, barangay officials.
Isang kinatawan ng kabataan sa katauhan ni Henry Sibayan ang nagsalita bilang pagsuporta sa Bagong Pilipinas.
Dumating din si Vice President Sara Duterte at nanindigan kaniyang sinusuportahan ang Bagong Pilipinas.
Sa seguridad, sinabi ni PNP Public Information Chief, Col. Jean Fajardo na nasa 3,587 pulis ang nakadeploy sa Quirino Grandstand upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga dumalo.
Nuna rito, alas-10 ng umaga, ay mahigpit na ang seguridad na pinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority sa mga sasakyang dumating na kanilang hinahanapan ng car pass.
Isinara rin ang mga kalsadang malapit sa Quirino Grandstand gaya sa TM Kalaw, United Nation, Maria Oroso, at Finance Road.
Organisado rin ang mga miyembro ng bawat local government unit na dumalo at nagpatupad ng color coding na kumakatawan sa kanilang lugar.
Kumpleto rin ang law enforcement agencies sa pangunguna Ni Philippine National Police Chief, General Benjamin Acorda Jr. Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner, Jr, at Philippine Coast Guards.
Sinabi ni Fajardo na generally peaceful ang katatapos na event maliban sa ilang nahilo sa rami ng mga dumalo.
EUNICE CELARIO